Alice Dixson, hot na hot sa cover ng men’s mag!

Alice-DixsonPUMALAOT NA rin sa mundo ng pagpapa-sexy sa pabalat ng men’s magazine ang TV 5 Primera Actress na si Alice Dixson na pumayag na magpakita ng skin sa December issue ng FHM, kung saan puting kumot lang ang nakatakip sa kanyang katawan.

At kahit nga may edad na ay hot na hot pa rin ang dating ni Alice sa mga kalalakihang nakabili na ng nasabing magazine.

Marami nga ang nagsasabi na sa edad 44, wala pa ring pinagbago ang mukha at magandang hubog ng katawan ni Alice noong kasagsagan ng kasikatan nito bilang Palmolive Girl at bilang Dyesebel.

Hindi nga lang daw ang ka-era ni Alice ang nahuhumaling dito dahil maging ang mga kabataang lalaki ng bagong henerasyon ay gandang-ganda at pinagnanasahan ang TV 5 actress.

Kung tutuusin nga raw, mas maganda pa ang cover ni Alice sa ilang mas bata pa ritong naging pabalat na rin ng nasabing magazine, dahil mas may libog ito at mas nakakaakit kumpara sa iba. ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Alice Dixson, hot na hot sa cover ng men’s mag!

Leave a Reply

Your email address will not be published.