Alice Dixson, enjoy na pinagpapantasyahan ng mga bagets

Alice-DixsonMASAYA SI Alice Dixson dahil sa edad niya ay marami pa rin kabataang lalaki ang nagpapantasya sa kanyang alindog.

“Maybe because of the roles na ginagawa ko ngayon sa TV5. I just finished with Lady Next Door for Studio 5 Originals, where I was paired with Mark Neumann and before that, I did For Love or Money with Derek Ramsay.

“So, roon siguro nila nakita na puwede pa pala kahit na may edad na si Alice Dixson. Add to it ‘yung ginawa kong cover for FHM. So, roon na siguro nagsimula ang lahat. And I’m proud of what it all came to be right now sa career ko,” say ni Alice.

Dahil nga sa magandang pangangalaga ng kanyang kaseksihan at kagandahan, kinuha siyang endorser ng isang health and beauty product.

Samantalang kung noon unang magbalik-‘Pinas si Alice, todo-deny siya na nagkakalabuan na sila ng kanyang husband na base sa Canada, ngayon ay buong ningning na sinasabi na divorce na sila last year ng asawang si Ronnie Miranda at inamin na may dine-date siya ngayon.

“He’s not from the business kaya let’s keep his name private na lang. But I’m not hiding him naman kasi we go out on dates. We’ve going out for a few months na. We were suppose to watch nga ‘yung Valentine’s Day concert ni Ogie Alcasid pero naubusan kami ng ticket. We ended up watching a show sa ibang lugar.”

Anyway, hindi nga sila nakapanood ng Valentine concert ni Ogie, naging masaya naman siya na makakasama niya ang singer/composer/TV host/actor comedian sa bagong teleserye ng TV5, ang Confession of a Torpe kung saan makakasama rin sina Gelli de Belen, Dennis Padilla, Alyssa Alano, Jojo Alejar at Bayani Agbayani.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Alice Dixson, enjoy na pinagpapantasyahan ng mga bagets

Leave a Reply

Your email address will not be published.