Alice Dixson, diborsiyada na

THIS WEEK na pala magtatapos ang Never Say Goodbye ng TV5 at hindi last week. At say pa ni Alice Dixson sa Ang Latest, abangan ang mga kontrobersiyal nilang eksena ni Rita Avila na pinag-ugatan nga ng tensiyon sa kanilang dalawa.

Gusto na ring tuldukan ni Alice ang intriga sa kanila ni Rita dahil ang gusto lang naman daw niya ay maibigay sa mga manonood ang tamang pag-arte-in that case ang super convincing niyang pagko-kontrabida sa show na ito ni pinagbibidahan ng Superstar na si Nora Aunor.

Depensa pa niya sa sarili, “Maybe it’s because my role here is very controversial. When I talk to Direk Mac Alejandre he said, ‘You know I wanna bring… the level of your being kontrabida to another level.’

“And so we had this state to let anybody (viewers) hate you on the show. I really brought that to the set.”

Totoo nga namang nakakairita ang role ni Alice sa show, at pati kami ay namuhi sa kanya dahil sa sobrang galing nito.

Anyway, na-grant na pala ang divorce ni Alice sa kanyang dating asawang si Ronnie Miranda last February. Aniya, “Okay naman, the divorced was finalized in February, early February. Actually everything is already in place (before December). In December it was just a matter of filing, and so because we have discussed all of the details ahead, it was just something personal that we had to wait until December to file.”

Dagdag pa ni Alice, “It was a difficult year before the divorce because it’s always difficult, but then after, I was surprised because out of all, ‘yung mga naging exes ko ah, naging amicable kami at totoo namang sincere ‘yung friendship namin. We were together for over… well we were married for 13 years and together for 16 years.”

 

NAGULAT KAMI sa bumulaga sa internet na mga larawan diumano ha, ni Marjorie Barretto na kita ang ilang maselang bahagi ng kanyang katawan. Hindi namin masabi kung authentic o in-edit na ito pero ‘pag usisaing mabuti, parang kuha ito with consent sa isang kuwarto dahil naka-smile naman ito at wala sa mukhang napilitan itong mag-pose for the camera.

Cellphone pic lang ‘ata ito and we don’t know paano ito na-upload at ayan nga kumalat na nga sa worldwide web.

Mga tanong na siguro ay naglalaro rin sa isipan ng ating mga readers, una, sino ang kumuha nito at paano ito kumalat at ano ang motibo ng pagpapakalat?

Pangalawa, luma ba ito o recent pic lang? Pero ayon sa mga nagsusulat na ng istorya tungkol dito ay parang bago lang kasi ganito na ang itsura ngayon ni Marjorie, if and if siya nga ito.

Pangatlo, kung mapatunayang totoo at authentic at si Marjorie nga ang nasa larawan, ano naman ang maging resulta at implikasyon nito sa anak niyang si Julia na kasisimula pa lang sa showbiz?

Bahagi ba ito ng kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng kanilang pamilya?

Pero sa pahayag ni Marjorie sa isang entertainment website, itinanggi nito na siya ang nasa scandalous photo. Balak na raw ng kanilang kampo na humiling ng tulong sa NBI para matunton ang source ng pagpapakalat ng naturang litrato.

Politically-motivated din daw ito dahil nga tumatakbo si Marjorie na konsehal sa Caloocan.

 

DEADMA NA si Kris Aquino sa mga nagsasabing walang epekto ang kanyang pag-i-endorso sa kanyang mga kaibigang senatoriables dahil kilala na naman daw ito. Tugon ni Kris sa TV Patrol, “Siyempre they will say that, so deadma na.”

Dagdag pa sa ulat, hindi daw naging maganda ang implikasyon ng pamimili lang ni Kris ng mga susuportahan sa mga kapartido ng kapatid na si President Noynoy Aquino.

Pero sagot dito ni Kris, “I feel that I will not endorse people that I’m not close to. I think that’s why I’ve been the number one endorser of products, kasi alam ng tao na kapag sinabi ko, ginagamit ko to or pag sinabi kong iboboto ko ‘tong taong to, naniniwala sila na yun talaga ang totoo.”

Agree naman kami sayo diyan Krissy, mahirap mag-endorso nang hindi mo gusto, ‘noh. Pak!

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

One thought on “Alice Dixson, diborsiyada na

Leave a Reply

Your email address will not be published.