Alice Dixson, desididong magpalipad ng eroplano

Alice-DixsonAYON KAY Alice Dixson, kung mabibigyan daw siya ng panahon, ang pagpapalipad ng eroplano ang una sa kanyang bucket list bago ang pagma-Masteral Degree.

Malabo na nga raw ang pagdo-doctorate dahil hindi niya matapus-tapos ang kurso niyang Urban Plan Economics sa British Columbia University sa Canada dahil palagi raw siyang nasa set at nagtatrabaho.

Tulad ngayon na magiging busy na naman siya sa pagte-taping ng More Than Words, bagong telesine ng TV5 na nakatakdang ilabas sa Mother’s Day sa May at pinagbibidahan din ng Kapuso talent na si Sarah Lahbati.

Dahil sa hectic ng schedule, baka raw next year na niya planuhin ang Masteral Degree at ang pagpapalipad na lang daw muna ng eroplano ang kukunin niya.

Nakapag-research na si Alice kung saang flying school siya kukuha ng crash course para sa pagpapalipad ng eroplano.

Sa nagtatanong kung bakit pagiging piloto pa ang nagustuhan niya? Simple lang ang kasagutan niya. Gusto raw niya bago lumabo ang mata niya at may pagsisihan pagdating ng panahon na hindi niya nagawa ang mga pangarap niya sa buhay.

Ayaw raw niyang ipagpaliban pa nang matagal ang mga nasa listahan na gagawin niya dahil baka raw anytime ay mawala na siya sa mundong ito.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Alice Dixson, desididong magpalipad ng eroplano

  1. Now that you are a Canadian citizen via a marriage that is a farce to begin with. I am sure naman you can afford to buy a model plane from ToysRUS at magpalipad ka sa Wreck Beach, nasa likod lang ng UBC– University of British Columbia. Wag kalimutan mag bayad ng tax to Canada Revenue ha? Ang dami mo ng soaps sa TV5….. baka kasi hindi ka na pabalikin ni PM Stephen Harper.

Leave a Reply

Your email address will not be published.