Alice Dixson at Cherry Pie Picache, nagtarayan sa shooting ng pelikula?!

HAY, NAKU! Ewan ko kung kailan pa matatapos itong demandahan nina Annabelle Rama at Nadia Montenegro!

Nu’ng Lunes pala, may hearing dapat sila, kung saan arraignment dapat ‘yun kay Annabelle sa kasong Grave Oral Defamation at Unjust Vexation na isinampa ni Nadia laban sa kanya.

Hindi lang natuloy dahil na-promote daw ang judge sa Quezon City Metropolitan Trial Court kaya maghihintay na naman sila kung sinong judge ang papalit.

Dumating daw ang abogado ni Annabelle, pero hindi na umabot si Bisaya dahil nasabihan itong wala na ngang judge. Hindi ko alam kung galing siya ng Amerika o Cebu, pero hahabol naman sana raw ito.

Si Nadia, nairita dahil sinuong daw niya ang trapik, pagdating niya, cancelled naman pala.

Sabi naman daw ni Nadia sa Startalk, tuloy pa rin ang kasuhan nila at hinaharap naman daw niya ang ibang kasong isinampa ni Annabelle.

Meron kasing isinampa si Bisaya na kasong Libel sa Cebu at dumating na yata ang subpoena kay Nadia na kailangan nilang sagutin ‘yun. Siyempre, pupunta sila ng Cebu para sumpaan ang counter-affidavit nila sa kasong ‘yun.

Pero sabi naman ni Nadia, balak din daw ni Boy Asistio na magsampa ng kaso laban kay Bisaya na ipa-file naman niya sa Bicol.

O, ‘di ba? Kung saan-saan na sila nakakarating sa kaso na ‘yan?

Parang malabo na talaga silang magkaayos, pero natigil na rin naman ang mga patutsadahan nila.

Si Annabelle, tahimik na lang at hindi nga ito umiimik kapag dumadalo siya sa hearing. Hindi talaga siya nagsasalita , pati nga abogado nito.

Sabi naman ni Nadia, wala na rin naman daw siyang sasabihin pa laban kay Annabelle. Basta tuloy pa rin daw ang kaso at haharapin daw nila itong lahat. Kahit nga kagagaling lang nila sa baha, kailangan daw nilang harapin ito dahil ipagpapatuloy raw niya ang pakikipaglaban para sa kanyang mga anak.

Sa totoo lang, nakakapagod na talaga. Kahit nga mga abogado nila na kumikita sa kaa-attend sa mga hearing, napapagod na rin at gusto na rin nilang maayos na ito.

Ang dinig ko, meron uling hearing sina Annabelle at Nadia sa San Juan naman kahapon. Ewan ko kung natuloy ‘yun na arraignment yata ‘yun ng kasong Oral Defamation din at Grave Coercion na isinampa rin ni Nadia laban kay Annabelle.

Kung tutuusin maliit lang ‘tong mga kasong ito, pero sa dami ng mga naisampa, nakakaloka na rin, huh!

 

NGAYONG ARAW na pala ang showing ng Just One Summer ng GMA Films.

Dito mapatutunayan kung kaya na nina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona na magdala ng pelikula at kung talagang tanggap na tanggap na nga ng publiko ang kani-lang loveteam.

Siyempre kabado sila dahil kagagaling lang natin sa baha at may bago pang bagyong pumasok pero tingnan na lang natin dahil nakita naman natin kung paano pinag-kaguluhan ang tandem na ito.

Sa trailer naman nakikita kung interesting siya at parang ma-drama kaya sana nga tangkilikin.

Sabi nga ng dalawa, maganda na rin itong Just One Summer na panoorin nila habang nag-uulan para kahit papa’no maramdaman naman nila uli ang init ng summer.

Medyo hirap nga raw sila sa pag-shooting niyan dahil panay na rin ang ulan, pero nailabas naman nila ang summer atmosphere. Kaya panoorin n’yo na lang ‘no!

Nu’ng premiere night pala nu’ng kamakalawa ng gabi na ginanap sa Cinema 9 ng SM Megamall, duma-ting si Alice Dixson na may mahalagang role sa pelikula.

Kasali rin sa pelikula si Cherry Pie Picache pero wala ito sa premiere night. Totoo kayang nagtarayan ang dalawa sa shooting nitong Just One Summer kaya siguro nag-iwasan na lang sila sa premiere night?

Hay, naku! Panoorin n’yo na lang nga ang pelikula! Tulong n’yo na lang sa mga bagets!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

7 thoughts on “Alice Dixson at Cherry Pie Picache, nagtarayan sa shooting ng pelikula?!

  1. TANG INANG ARTICLE TO O!!!! MAS INTERESADO AKO SA TARAYAN NILA ALICE DIXON AT CHERRY PIE KESA SA MUKHANG DAGANG ELMO AT BABALINANG JULIE NA YAN!!!! TANG INA AKNG LOLIT WALANG KWENTA ARTICLE MO!!!! WALA KA NAMAN PALANG ISTORYA TUNGKOL SA TARAYAN HINEAD LINE MO PA GAGO!!!!!! TARANTADO KA MAGSULAT GAGO!!!! ANUNG PAKI NAMAN KE DAGA TA BABALINA EH SIGURADONG FLOP PELIKULA NG MGA STARLETS NA YAN GAGO!!!

  2. pwede ba lolit, tigilan mo na nga ang annabelle at nadia issue na yan dahil wala ng interesado sa kanila anoh! Isang palengkera at isang has-been.

  3. nararamdaman kong flop ang Just One Summer. hindi pa ganun kalakas ang tambalan nila elmo at julie anne. at bumabagyo pa! hahahahahahahahahaha ang kailangang gawin ng mga main casts at ng mga producers? magdasal ng magdasal na kahit umabot man lang ng 5 million ang kitain ng pelikula nila. hahahahahahahahahahaa

    • NAKU PANIGURADO FLOP I2!!! Ewan ko b s GMA kung bkit tight ang budget gus2 eh kumita ng malaki kya aun s pgkalugi nauuwi!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.