Alfred Vargas will finally reveal his biggest secret

MAY EXCLUSIVE INTERVIEW ang Startalk kay Alfred Vargas na mapapanood bukas.

Alam ko na siyempre kung ano itong rebelasyon niya, pero ayoko namang pangunahan dahil ma-buting mula na mismo kay Alfred manggagaling.

May kinalaman ito sa personal niyang buhay dahil sabi nga niya noon, matagal na niya itong itinatago at ayaw naman daw niyang itago ito forever dahil dapat nga ay ipagmalaki.

Sabi nga niya sa mga interview niya noon, naisantabi na niya ang personal niyang buhay dahil sa naging abala siya sa trabaho niya bilang konsehal ng district 2 ng Quezon City at sa taping niya sa Mutya.

Ngayong wala pa siyang sinisimulan uli sa ABS-CBN 2, gusto munang mag-concentrate ni Alfred sa kanyang trabaho sa Quezon City hall at sa kanyang pamilya.

Inamin naman ni Alfred na nagpakasal na sila ng non-showbiz girlfriend niyang si Yasmine Espiritu sa Italy nu’ng nakaraang taon.

Ngayon ay pinaghahandaan na niya ang binabalak nilang church wedding na gagawin nila next year. Dapat ngayong taong ito, pero namatay kasi ang daddy ni Alfred, kaya palilipasin muna ng isang taon.

May malaki pang pagbabago sa buhay ni Alfred at sa relasyon nila ni Yasmine kaya abangan n’yo na lang ang kabuuan ng kuwento niyang ito kay Ricky Lo para sa Startalk.

 

NA-INTERVIEW RIN NG Startalk si Jennylyn Mercado sa story conference ng bagong programa nito sa GMA-7 na Footbulilits.

Masaya siya kapag tungkol kay Luis Manzano ang pinag-uusapan, pero nililinaw niyang wala pang namamagitan sa kanilang dalawa kundi hanggang palabas-labas lang daw sila.

Malaki ang pasasalamat niya kay Luis dahil dumating daw ito sa buhay niyang kailangan niyang merong magprotekta at magtanggol sa kanya.

Ang isa pang masaya ngayon si Jennylyn ay ang magandang pagtrato raw sa kanya ng pamilya ni Patrick Garcia.

Kahit hindi naman daw sila together ni Patrick, naramdaman daw niyang suportado siya ng pamilya ng ama ng kanyang anak.

Ang anak nilang si AJ ang concern nila, at hindi na raw nila pinag-uusapan ang ibang isyu ng personal nilang buhay.

“’Yung sa amin naman ni Patrick, tungkol lang talaga kay AJ ang pinag-uusapan namin, eh. ‘Yung mga personal thing, hindi naman pinag-uusapan ‘yun kundi ang future lang talaga ni AJ.

“Saka, very supportive ang family ni Patrick, sila Tito, si Cheska, si Tita Bing… talagang very suppor-tive sila, at kung saan ako masaya, du’n din sila.

“Kumbaga, parang na-feel ko na part ako ng family kahit na siyempre hindi kami magkasama ni Patrick at hindi kami together. Meron kaming kanya-kanyang buhay. Na-feel ko na talagang ‘yung suporta nila talagang nandu’n para talaga sa akin,” natutuwang kuwento ni Jennylyn.

 

PAKISUYO LANG PALA ito ni Gorgy Rula, dahil bukas na ang launch ng bagong all-male sexy group niyang The Hotmen.

Gaganapin ito sa Zirkoh Morato, alas-diyes ng gabi.

Special guest nila rito si Ai-Ai delas Alas na kung saan huhubaran sila nang bonggang-bongga.

Maloloka ang mga kabadingan diyan dahil tiyak na paglalaruan sila ni Ai-Ai.

Ka-back-to-back ito ng show nina Gladys Guevarra at ang mga nagseseksihang EB Babes.

Hatid ito ng Red Tag Marketing Group, Inc. at major sponsors dito ang Frenzy Condoms and EZ Lubricating Jelly.

Tig-500 ang halaga ng ticket na mabibili sa SM Tic-kets na may telephone no. na 470-2222.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

12 thoughts on “Alfred Vargas will finally reveal his biggest secret

  1. BE A GUD ,ROLE MODEL,HUSBAND AT FATHER,,ALFRED,,,yun lang,,and stay wid god wid youre wife,,para maging malakas kayo,,laging unahin si god,..at si god lang,,,yun na!

  2. ang taba ni alfred now,,parang si JOMARI YLLANA,,pinabyaan ang katawan,,hehe…sana nga madmai syang magawa bilang councilor para malayo marating niya,,if no,,hanggang councilor lang sya,,pipol wants to see ,feel,,yung magagawa ng mga nakaupo,,hindi nakaupo lang,,hehehe..

    si jenylyn,,iha,,focus ka sa anak mo,hayaan mo muna si luis,,ok si luis,,sana kayo na bilang mag asawa,,pero saka na,,dyusko!!kakatapos mo lang deniis,ano kaba??!!sugapa!!,,wahhhaahbut we love luis for u,,maayos na tao,,basat wag ka munang papa dyug,,baka iyon lang gusto nun,,wahahhaahh,..love ko pa naman si jen ,morena beauty just like KAYE ABAD,JODY SANTAMARIA,DES DEL VALEE.TANYA GARCIA,LJ MORENO,JOYCE JIMENEZ,gaganda nila!simple,..lang!..jen,,hindi mo mahahanap ang tamang guy kung nagpapasalin salin ka,,sana nga si PATRICK GARCIA nalang sa huli,,,mas ok pa,,saka,,its better,kilalanin ni jen si god,,para mas matibay ito at matatag bilang tao at babae,,

  3. well,,anong sasabihin ko ,,alfred,,be a gud father at husband,,yun lang,,ang alam ko bata pa yung misis nya diba,,at sana matuloy ang church wedding sa pinas,,mag ipon ka!!,hehehe..at maging focus kana sa work,at sa family mo,,ibang level naiyan,,i hope maging centro nyo ni yasmine si GOD para tumatag pagsasam nyong dalawa,,mahalaga ang may dyos sa relasyon,kesa sa basta lang kayo nagsasama,,wala din,,gudluck being a father at mister,.sana din madami kang magawa as councilor,para dika makalimutan ng tao at walang nega na masasabi sayo,,be a role model as politician,,

    well..SANA MALAMAN LANG NI JENYLYN NA MAS CONCERN ANG TAO SA PAGIGING INA AT BABAE NYA,KAPAG BINABATIKOS SYA,.DAHIL HINID NAMN TLAGA MAGANDANG TINGNAN ANG SUNOD SUNOD NA BF,O LOVLIFE,ONE AFTER ANOTHER E,,SAGWA SA ISANG GIRL,,PARANG DAIG MOPA ANG ISANG GAY O POKPOK SA KANTO,,HEHEHE..KUNG MAGBILANG NG BF,,YUCK IYON!NAUUBUSAN BA SYA,,??HEHE,,WE KNOW LUIS IS A DECENT,SMART,EDUKADO AT MAAYOS NA TAO PERO SANA NAMAN WAG MUNANG MAGING BF,,HEHE,,,O MAGING SILA,,BKA SILA NA,,HEHEHE..HAY NAKO,,JEN,,RESPETO NAMAN SA SARILI,MAY ANAK KA,,DIBA?MAS MASAYA ANG TAO NA SILA NI PATRICK GARCIA,PADIN SA HULI,,AT LEAST SI PAT ANG AMA NI AJ,,SO,,SILA NALANG ULIT,,WAG NG LUMAYO PA.WERE GLAD NAMAN OK SI JEN SA FAMILY NI PAT,,TAMA IYAN,,PARA LANG NAMAN SA ANAK NILA ITO,,PARA SA FUTURE NI AJ,,LALO NA BUSY SI JEN SA PAGBIBILANG NG JOWA,,HEHEHE..UMAYOS KA JEN,,,IKINAKASIRA NG IMAGE MO ANG GANYANG HABIT MO,,BAKA,,MABUNTIS KA ULIT, NYAN GAYA NINA ANGELU DELEON,AIKO MELENDE,EULA VALDEZ,etc,,na nagbilang,,kawawa mga bata,,,tsk,,i hope,,better,,stcik wid GOD muna bago ka magmahal muli,,para maging tama at true ang guy na maibibigay nya,,

  4. dont judge the man if u don’t know the true story of her real life,go go go alfred be proud of ur beautiful wife and cuties baby alexandra,god given us to u the lovely wife at mabait n baby,god bless you always.

  5. gusto yatang bumalik sa showbusiness kaya pa-reveal reveal pa siya. So what if they have a daughter and another one on the way??? Akala ko may ipapasabog siya na may dugong imported siya….Ewan! Pati si Ateng Ricki Lo nakikisayang din ng oras….

  6. verde and dhugo? hindi siya siokoy kundi sirena. sa totoo lang girl na girl and dating niya sa picture!

  7. hahahaha paano mo napa amin lolita na bilibid prison pokpok kwah!
    binayaran mo noh…ng pera ha, di ng alindog mo na inaamag nah!

Leave a Reply

Your email address will not be published.