Alfred Vargas, tinanggap na ang offer ng Dos!

MABUTI NAMAN AT nakabalik na si Janno Gibbs sa pagtatrabaho!

Nangako na itong tuluy-tuloy na raw ang pagpasok niya sa Party Pilipinas at sana nga hindi na mali-late.

Nagulat nga ang lahat na staff ng Party Pilipinas nu’ng Linggo dahil ang aga nitong dumating para makapag-rehearse. Kaya nakasali siya sa opening number. Dati kasi, madalas na sumusulpot na lang siya at hindi na siya inaasahan sa opening number dahil late nga itong dumarating.

Hindi ko alam kung sinong kumausap sa kanya na ayusin na niya ang attitude niya sa trabaho, lalo na’t napapag-usapan na dumadaan daw ito sa matinding depression kaya hindi na ito lumalabas ng bahay.

Nang kinausap ito ng mga reporter doon sa Party Pilipinas, itinatanggi naman niyang may problema siya o sila nina Bing Loyzaga at mga bata.

Pabiro lang nitong sinagot ang isyung depression na totoong na-depress daw siya nang nalaman niyang ikakasal na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Nang natanggap na raw niya ito, ayun pumasok na siya sa Party Pilipinas.

Kung totoong may pinagdaanan nga si Janno noon, sana tapos na iyon at ituluy-tuloy na niya ang pagtatrabaho para magkaroon na siya ng iba pang programa sa GMA 7.

TODO SA PAGPAPAPAYAT nga-yon ang alaga kong si Alfred Vargas dahil may gagawin na siya sa ABS-CBN 2. Maganda ang offer ng Dos kaya tinanggap niya ito. Pero kailangan niya talagang magpapayat dahil lagi siyang nakahubad dito. Kung ano ‘yung role niya, abangan n’yo na lang dahil bagong fantaserye itong gagawin niya sa Dos kasama ang mga batang bida.

Wish lang ni Alfred na tuluy-tuloy na ang pagpayat niya dahil bukod sa regular taping days niya, abala rin ito sa kanyang trabaho sa Quezon City hall. Dapat maisingit pa rin niya ang pagdyi-gym dahil may target siyang timbang na dapat sundin bago siya magsimula ng taping.

Takaw-gulo yata ngayon itong Celebrity Survivor castaway na si Ervic Vijandre dahil sa napag-iinitan ito ngayon sa Survivor.

Muntik na nga itong nasangkot sa suntukan sa party nila sa Republiq nu’ng nakaraang linggo. Iyun pala, iyung Australyanong boyfriend ni Princess Snell na dala-dala naman nitong hitad at hindi man lang ipinakilala sa mga kasamahan niya.

Bukod daw sa boyfriend nitong Princess, may kasama pa silang iba kaya siyempre nagtanong si Ervic kung sino sila dahil dapat mga Survivor lang ang nasa mesa.

Nagsumbong itong kaibigan ng boyfriend kina Princess, sila pa ang may ganang magalit at gusto nang suntukin si Ervic.

Siyempre, pumalag din ito at muntik nang nagkagulo talaga. Mabuti na lang at naawat sila kaya hindi naman daw umabot sa sakitan.

Ang sabi na lang ni Ervic, sa susunod na labas nito hindi na raw siya lalabas ng bahay na hindi suot ang rosaryo na bigay ng lola niya.

Naniniwala siyang ‘yun ang nagbigay sa kanya ng proteksiyon kaya nalalayo siya sa gulo. Nu’ng panahong ‘yun nakalimutan daw niya ang rosaryong ‘yun kaya nasangkot tuloy siya sa gulo.

‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

18 thoughts on “Alfred Vargas, tinanggap na ang offer ng Dos!

  1. sya ba si ZUMA,,.i heard si JON HALL,,kinukuha nila,,well..true bang maging sina NADINE SAMONTE at SUNSHINE DIZON pipirma na sa abscbn soon?kase si PIERO VERGARA kapamilya na sya diba????mahalaga may work at income kahit saan pa man netwwork,,keber!!!!basta work decently at proffecionalyy,,,tumaba sya,,yuck,,,,

  2. correction: the reason why he transferred eh dahil if he stayed in GMA, di sya mapapanood ng GF nya sa Italy, kasi di afford ng GMA na maipalabas sa Italy, di gaya ng TFC nyahahahhahaha

  3. Si Alfred Vargas ang yummy nya noon na sila pa ni LJ Reyes ba yon? Hindi pa siya masyadong malaman at ang mukha niya noon ganda.

  4. masasabi kolang kay janno,.iho,,tagal ona sa showbiz,,at padre de pamilya ka ngayon kapa naging weak,,hehe,,wag na uy,,,kulang kalang sa dasl at sa pagbabasa ng bibliya,,maging malapit ka sa dyos lalo para matatag ka,,,sa dami ng mas malaking problema kesa sa yo,,,hay nako,,tao nga naman,,,,simpleng problema pinapalaki,,,si GOD lang ang katapat mo,,maging malakas ka pra kay bing at sa mga anak nyo,,,

  5. lipatan na naman sa 2011,,,wahaha,..lumipat na din si PIERO VERGARA sa 2,,,,maging si JEWEL MISCHE andun andin,,balitang sina SUNHSINE DIZON,,NADINE SAMONTE susunod,na,,itoy for a change naman,,,diba,,,

  6. ok lang yan,,kahit saan basta may work at income sa maayos na way,,,mas ok ngang iba iba ang istasyon mo para madaming kita at may groth diba,,basta wag kalang pasisira,,todo work lang,,mag ipon,,,sana naman di makalimutan ni alfred ang role nya o yung pagiging councilor nya,,baka isa dinsyang walang magagawa sa pinas,,,now palang pakitang gilas na sya sa tao para malayo marating nya sa pulitika,,wag gumaya sa ibang pulitiko na walang nagagawa,,,kakahiya iyon,,,hay nako,,pulitiko na si alfrd,,di na sya pweding gumaw ng hubad na ganyan,,,respeto naman,,

  7. syempre ililipat ng manager niyang mukhang pera para magkaroon ng show. halatang frozen delight ang career ng starlet na ito sa dati niyang TV station. lol

Leave a Reply

Your email address will not be published.