Alfred Vargas, sasagutin ang pamasahe ni Nora Aunor pabalik sa ‘Pinas

SOBRANG BAIT TALAGA ng actor/ politician na si Alfred Vargas, dahil bukod sa magandang performance nito sa Distrito Dos ng Quezon City bilang Councilor, patuloy pa rin itong gumagawa ng makabuluhang proyekto para sa kanyang mga kababayan.

At sa sobrang kabaitan ni Alfred nang mabalitaan nito na kailangan ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor ng pamasahe pabalik ng Pilipinas,agad-agad itong nagboluntaryo na siya na ang sasagot sa plane ticket ni Ate Guy.

Tsika raw ni Alfred, solid Noranian daw ang kanyang pinakamamahal na ina at isa rin ito sa humahanga sa galing bilang aktres ng Superstar. Kaya naman daw anytime na gustong bumalik ng Pilipinas ni Ate Guy ngayong Disyembre, si Alfred ang sasagot ng pamasahe nito.

Kaya naman pihadong matutuwa ang mga solid Noranian sa magandang balita na hatid ni Alfred, dahil matagal-tagal na ring nami-miss ng mga ito ang kanilang idolo. At ito na rin ang pagkakataong makagawa muli ng mga proyekto ni Ate Guy sa bansa.

ISA SA TUMANGGAP ng pinakamalakas na palakpakan sa katatapos na IMF ‘10 Fashion Show in Malaysia ang X-Life host na si Steph Henares among models na rumampa sa nasabing prestigious fashion show.

Dapat ipagmalaki ng Bansa si Steph lalo na’t siya lang ang tanging Pilipina na napiling mapasama sa IMF ‘10 Fashion Show. At kahit nag-iisa siyang model mula sa Pilipinas, nag-standout ito at talaga namang umani ng papuri sa galing nitong rumampa, kaya naman daw everytime na lumalabas ito ay isang masigabong palakpakan ang natatanggap nito mula sa audience. Ilan daw sa Hollywood idols for fashion sense ng GMA Artist Center talent sina Mary Kate, Ashley Olsen, at Sienna Miller.

NALULUNGKOT DAW ANG Jap/Pinoy na si Suzuki Sadatsugu sa naglalabasang balita na nagsasabing nagsisinungaling daw ito nang sabihing hinihipuan siya ni Mr. Fu sa kanyang harapan at gumigimik lamang para mapansin.

Buwelta ni Suzuki, hindi raw gimik ang kanyang sinabi dahil totoo naman daw ‘yun. Hamon nga nito na pagharapin daw sila ni Mr. Fu sa lahat ng talk show nang live at ipagsisigawan daw nito sa buong Pilipinas na totoo ang sinabi niya.

Dagdag pa nito na siya na nga raw ang naagrabiyado,o parang siya pa ang lumalabas na may kasalanan. Wala naman daw masama sa pagsasabi ng totoo at kung ano talaga ang kanyang nararamdaman.

Alam daw ni Arnel Ignacio ang  buong katotohanan, dahil ito raw ang taong kanyang pinagsasabihan ng kanyang mga sikreto sa buhay. ‘Yun na!

BLIND ITEM: SINO itong super galing na male singer ang may pagka-madamot pagdating sa pagkain?!

Minsan kasi sa isang event kung saan guest ang sikat na singer, kasama ang iba pang singers sa isang dressing room, nagpabili si damut-damutang singer ng pagkain sa kanyang dyulalay.

Dumating ang P.A. nito dala-dala ang isang napakalaking pizza, chicken, atbp. Pagkalapag na pagkalapag sa lamesa, kaagad-agad na binanatan ng kain ni male singer ang pinabiling pagkain.

Ang nakakaloka, ni hindi man lamang nito inalok kumain ang ibang singer at mga taong naroroon, basta ngasab dito, ngasab doon ang ginawa ni takaw-takawang male singer at walang pakialam sa mga taong nasa paligid niya.

At nang maubos nito ang sandamakmak na pagkain na pinabili nito sa lamesa, mistulang parang walang nangyari at nagsimula na itong makipag-kuwentuhan sa ibang artist at taong naroon.

Sino siya? Well, mahulaan kaya siya ni Tita Komi dela Cruz?

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Alfred Vargas, sasagutin ang pamasahe ni Nora Aunor pabalik sa ‘Pinas

  1. SUS! Kung sino pa yung earning in DOLLARS siya pa yung hinde maka-afford? And the PESO earning people, are the ones WHO’s suppose to purchase the SUPERSTAR’S round trip ticket, accommodation, lodging etc etc..Naku ha? Baliktad yata ito!

  2. ako ung bi. eh, ano ngaun. Naggutom ako eh isa pa my foods din nman clang dala… Ang pooreray nman ata ng gurang na super star na yan, plane ticket lng d pa mkabili… Tignan nyo pgbalik nyan at nkaipon na ng pera tyak babalik nnman yan s pgddrugs. Adik kc kya ayan wlang magandang nangyari s kanyang life. Anywiez, watch asap xv evry sunday and buy my album… Tnx mga tehhh…

Leave a Reply

Your email address will not be published.