Alfred Vargas prepares for his new soap in ABS-CBN

SABI NI DRA. Vicki Belo, mabuti raw at naintindihan ko na si Hayden Kho, Jr.

Ilang beses ko namang sinasabi iyan kay Vicki na mahal ko siya. Kaya kahit ano pang kagagahang gawin niya, tinatanggap ko. Pero ang punto ko naman du’n, dapat panagutan ni Hayden ang ginawa niya kay Katrina Halili at sa iba pang babaeng nagawan niya ng sex video.

Hindi ko naman sinasabing dapat siyang makulong, pero siguro naman dahil sa ginawa niyang ‘yun, parang hindi naman yata dapat na bumalik ka sa pagka-doktor.

Tama na ‘yung pinagkakaabalahan niya ngayon sa tulong ni Vicki at kung talagang magpapakasal na sila, wala namang kokontra riyan kahit medyo mabigat pang tanggapin ng mga anak niya.

Mabait lang talaga sina Cristalle at Quark, at bukod pa riyan, mahal nila ang Mommy nila kaya susuportahan nila ito kung ano man ang gusto niyang gawin.

Ayan na nga! Sinabi na ni Vicki na magpapakasal na sila ni Hayden at inaayos na nila ito ngayon.

Umalis sila pa-Amerika nu’ng nakaraang Linggo para maghanap daw ng lugar na pagkakasalan nila.

Tutuloy raw sila ng Peru dahil isa sa pinag-iisipan nilang pagdausan ng kasal, doon sa Machu Picchu na type na type nilang puntahan.

Baka nga roon sila magpakasal dahil ayaw naman talaga nila ritong magpakasal. Baka hindi pa kasi puwede.

Nakausap ng Startalk si Dra. Belo sa gala premiere ng Rakenrol ni Direk Quark Henares at doon ikinuwento niyang talagang si Hayden daw ang nagpursigeng magkaroon ng pre-nuptial agreement.

Pinaayos daw nila ito sa abogado na dineklara raw ni Hayden na lahat na kikitain ng Belo Medical Group ay kay Vicki lang, pero ang kikitain daw niya ay para sa kanilang dalawa.

Naramdaman naman daw niya ang sincerity roon ni Hayden, kaya sana bigyan naman daw ito ng pagkakataong patunayan na talagang nagbago na siya at mali ang iniisip at ibinibintang sa kanya.

 

SA AUGUST 4 na ang alis nina Alfred Vargas at ng asawa niyang si Yasmine Espiritu patungong Italy.

Dapat ay nu’ng nakaraang linggo pa ang alis ni Yasmine pa-Italy pero nabago ang plano, ihahatid na ito ni Alfred kasama ang anak nila.

Doon manganganak si Yasmine dahil iyan talaga ang plano nila na kung baby girl ang ipinagbubuntis nito, doon sa Italy manganganak.

Maganda raw ang hospital doon at napaka-convenient manganak doon dahil maganda ang ibinibigay na be-nefits ng gobyerno.

Kaya ihahatid na ito ni Alfred at babalikan na lang niya sa October kapag malapit na itong manganak.

So far, abala ngayon si Alfred sa trabaho niya sa Quezon City Hall, pero malapit na rin siyang magsimula ng panibagong teledrama na gagawin niya sa ABS-CBN 2. Ang alam ko isa sa makakasama niya rito si Diether Ocampo.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Alfred Vargas prepares for his new soap in ABS-CBN

  1. madam lolit, bakit ganun yung pinasok mong kontrata para kay mark sa time of my life??? punong abala ka yata kay alfred at kay belo at hayden, hindi mo na napapansin na naba-bump off na sa istorya mga alaga mo????

    o galit ka pa rin kay mark??? or konti na lang kinikita mo kay mark kaya balewala na lang???

    explain ka naman!!!

  2. Hi Lolit, sana naman magpa reduce c Alfred Vargas ng konti para mawala iyon konting bilbil, sayang kasi guapo niya.

  3. Oo na Lolit Solis, alam na namin na mahal mo talaga si Dr. Vicki Belo, kami rin mahal din namin siya kasi generous siya at gusto namin siya dahil nahaharbatan namin siya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.