Alfred Vargas, pinag-aagawan na ng Dos at Siyete!

KUNG SINU-SINO NA ang sumasawsaw sa isyung break-up daw nina Pres. Noynoy Aquino at Shalani Soledad.

Nakiusap na si P-Noy na kung puwede, sa kanya na lang ang aspetong iyan kaya wala ring kumpirmasyon kung talagang break na nga ba sila at kung ano ang dahilan.

Nakipag-date noon sa Nuvo si Pres. Noynoy sa isang nagnga-ngalang Barbie Palagos, pero hanggang du’n lang daw ‘yun at sinabi nu’ng babaeng naka-date ni P-Noy na wala nang kasunod iyon.

Na-link din si P-Noy sa stylist niyang si Liz Uy pero wala siguro iyon.

Ingat na ingat nga si Kris Aquino na sagutin ang isyung iyan, dahil hindi raw niya puwedeng pakialaman ang lovelife ng kuya niya at bunso lang siya.

Dahil diyan sa isyung lovelife ng ating Pangulo, may mga naglabasan tuloy na ibang girls na na-link sa kanya noon.

Kung napanood n’yo ang Startalk nu’ng Sabado, isa sa na-link sa kanya noon ay si Maricel Morales na isa ring konsehal sa Angeles, Pampanga.

Nahiya si Maricel na pag-usapan iyon dahil wala naman daw talagang namagitan sa kanilang dalawa. Sobrang tagal na raw noon, kung saan nag-shooting daw sila sa Tarlac, doon daw nila nakilala si President Noynoy. Sobrang asikaso raw sila at lagi raw siyang kinukumusta kung okay sila. Kaya hindi naman daw niya masabi kung may balak ba siyang ligawan, dahil hindi naman daw nasundan iyong pagkikita nilang iyon. Basta napakabait lang daw sa kanya ni P-Noy at noon pa man ay nakikita na raw niya na magiging magaling na lider iyon. O, ‘di ba bongga? At gusto nga raw niyang ma-meet uli ito ngayon para malaman nito kung kilala pa ba siya.

Bukod kay Korina Sanchez, na-link noon si Pres. Noynoy sa dating sexy star na si Barbara Milano na isa na ring pulitiko.

Kaya lang hindi na ngayon active sa showbiz si Barbara kaya hindi na siya nagugulo at nagagamit sa isyu kay P-Noy.

Naku, huh! Sa mga sexy star talaga nali-link si Pres. Noynoy, ha?! Ang hilig sa mga sexy girls!

Si Shalani naman ay talagang consistent na nanahimik kaya lalong naging curious ang mga tao kung sino ba talaga siya.

Nagpa-interview yata kay Cristy Fermin ang ina ni Shalani at nagkaalaman na kung ano ang tunay niyang pagkatao.

Sabi nga nila, puwedeng isapelikula ang buhay ni Shalani kaya abangan natin dahil kakalkalin at kakalkalin pa ang kuwento ng buhay ni Shalani.

NALOKA NAMAN AKO dito sa alaga kong si Alfred Vargas dahil panay naman ang punta niya ng Italy para dalawin du’n ang dyowa niya, huh! Last week lang umalis na naman pala papuntang Florence, Italy kasama si Roderick Paulate para mag-represent ng Quezon City para sa sister cityhood sa Florence.

Pagkatapos niya roon ay tutuloy na raw siya sa Milan, Italy para dalawin ang kasintahan niya roon na si Yasmine Espiritu.

Hindi raw niya kasi mahindian kapag nakiusap itong dalawin siya roon.

Ikinakaloka ko pa, dahil ilang beses na akong tinawagan ng ABS-CBN 2, para i-guest at gusto na nilang kunin sa isang teleserye pero wala naman dito.

Kaya pagbalik niyan dito, pagsabihan ko na ‘yan na mag-ayos na siya para sa pagbabalik niya sa showbiz, ‘no!

Gusto ring bigyan ng programa ‘yan ng GMA-7 pero may alok din ang ABS-CBN 2, kaya abangan n’yo na lang ang pagbabalik ni Alfred sa showbiz at marami na rin naman ang naghihintay, huh!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

14 thoughts on “Alfred Vargas, pinag-aagawan na ng Dos at Siyete!

  1. Mga bobo kayo!!!! bago magsalita dapat alamin niyo ang sitwasyon. 1st ang liit liit ng sweldo bilang councilor doble ang tf ni alfred sa isang araw bilang artista kesa isang buong buan bilang politiko 2nd inuubos ng bayan ang pera ni alfred hindi si alfred ang umuubos ang pera ng bayan! dahil mga taong tamad hingi lng ng hingi ng pera sa kanya galing sa bulsa niya! nahihiya na pilipino ako! marunong lng kayo maginsulto sa tao e mga bobo lng kayo na wlng alam! Si alfred lng ang totong politiko matalino at may pakialam sa tao. kayo ang mga yuck!! mga pangit at inggitero!! paalala:#2 councilor siya hunk and best actor

  2. bakit kaya pagkatapos ng election wala ng romance? first si kris at james yap now naman sina pnoy at shalani break na din….overrr pa naman ang pagpapakilig sa mga interviews na ginawa ng buzz para sa kanila tapos tapos na bakit kaya?………sa mga isyung nglalabasan parang minamaliit ang pagkatao ni shalani,well d na rin ako mgtataka kung matapobre ang pamilya ni kris masyado kasi siyang halata kahit anong pagpapakasanta gawin niya wa epek!….

  3. Eeww!! YANG BADOY LOOKING NA YAN, PAG AAGAWAN NG NETWORK? ANO BA REGALO SA IYO AT GANITO WRITE UP MO SA KANYA?
    PARA SIYANG MATANDA NA, AT BADOY TALAGA ANG PROFILE. BAKYA BA. SORI, TRUTH LANG PO..

  4. What the f—? Ginamit pa ang kaban ng bayan para bumisita sa girlfriend. Anong sisterhood sisterhood na yan. Using peoples money. Bakit ba binoto ang gunggong na Ito. Dapat pa imbestigigahan Ito. Sulat ko nga Kay Pnoy. Do not vote for this stupid idiot next time.

  5. Ito talagang si Lolit, wala ng magawa kundi mag pasalamat sa kanyang mga sponsors. In fairness, i love her dogs, ang cute!!!!

  6. tamahhhhhhhh !!!!!!!! hahaha kalurkey to si manay!!!!!!!
    pangettt acting ni alfred!! qc asikasuhin mo!!!
    gagang toh!!!!!

  7. wag na kunin yang si alfred sa mga teleserye. magfocus na lang sa politics sya. ang tamlay kaya ng acting nyan kaya hindi napansin sa abs nung nandon pa sya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.