Alfred Vargas, namimintog sa sobrang laki!

TEXT NG ISANG kaibigan: “Pagsabihan n’yo naman ang hunk actor na mahusay at award-winning sa mga acting awards at pati sa politics. Mataba pa siya kina Anjo at Jomari Yllana. Mukhang minamanas na ngayon si Alfred Vargas!”

May balak pa ba si Alfred na magbalik-showbiz? ‘Yun agad ang katanungang sumagi sa aming isipan nang makita rin namin ito sa isang event. Lumobo na ang dating hunk actor. Muntik na nga naming hindi nakilala. Tinanong pa namin ang katabi namin kung si Alfred nga ‘yon.

Sa hitsura ngayon ng aktor, mukhang enjoy siya sa bagong mundong ginagalawan – ang pulitika. Tila hindi na conscious si Alfred sa pangangatawan niya. Kesehodang mapintog na siya, basta ang konsentrasyon niya ngayon ay nasa constituents niya.

Pero nanghihinayang ang kaibigan namin dahil mahusay nga namang aktor si Alfred. Sayang daw kung tatalikuran na nito ang showbiz – o kung mawawalan na siya ng offer dahil sa katabaan niya ngayon.

MAY NAKAPAGBULONG SA amin na may on-going audition sa mga ‘new’ co-hosts ni Willie Revillame sa Wowowee.  At sa yate raw ‘yon ng TV host ginagawa. May dilemma nga ngayon ang isang female acoustic singer dahil pasado siya kay Willie para maging regular co-host nito. Kaya lang, kailangan naman daw nitong iwanan ang kanyang Sunday musical variety show.

Mula rin sa isang source, babalik daw si Willie sa Wowowee kung masusunod ang lahat ng kanyang kundisyones. At kung anu-ano ang mga ‘yon? Your guess is as good as mine.

NAKAI-STRESS ANG MAG-HOST ng Face To Face, ang kauna-unahang talak-serye sa telebisyon ng Kapatid network. Pero naka-adjust na raw sa kanyang trabaho si Amy Perez. Alam na raw ni ‘Tiyang Amy ng Bayan’ kung paano iwan ang kanyang trabaho kapag tapos na ito.

“It’s really a very stressful job,” sabi ni Amy. “Pero nasanay na rin ako. Paglabas ko ng studio, iiwan ko na ‘yung trabaho doon. Magre-relax na ako. Of course, may mga pagkakataon na napag-uusapan din namin ‘yon ni Carlo [her fiancé]. Talagang naaapektuhan din ako, pero ‘yon nga, trabaho lang.”

Pinabulaanan naman ni Amy na scripted ang TV show. “Paano namang magiging scripted ‘yon? Puwede mo bang sabihin na kalmutin niya ‘yung kaaway niya? O magkalmutan sila? Talagang sobrang emosyunal lang ‘pag nagkakaharap na ‘yung dalawang panig,” sabi pa niya.

Dagdag pa niya, “Minsan nga nagbabatuhan pa sila ng tsinelas saka ng silya. Kaya nga sabi ko, dapat ngayon ay maiiksi na ang mga kuko ng mga guests namin. Ipinapagupit ko talaga ‘yung mga kuko nila. Saka bawal na rin ‘yung mga bakya.”

Ayon naman sa producer ng show na si Nel San Luis, “Mahirap gawan ng script ang Face To Face lalo na’t ang nasa panel ay hindi naman mga artista.”

Dagdag pa niya, wala rin daw talent fee ang guests nila. “Pamasahe lang at pangkain ang ibinibigay namin sa kanila. Kaya naman gano’n, ayaw naman kasi naming maging negosyo ‘yon ng iba kapag nalaman nilang may bayad pala. Napag-usapan namin ‘yon dati. Pero wala talaga,” aniya pa.

Kasabay ng pagsikat ng palabas, tumatatak din sa mga manonood ang mahusay at eksperstong opinion ng Trio Tagapayo na sina Atty. Persida Acosta ng Public Attorney’s Office [PAO]; Fr. Gerry Tapiador, isang theology professor; at Dr. Camille Caces-Garcia, isang child psychologist. Nakakasama rin nila sina Dr. Rose Llanes, respetadong UP professor at Fr. Sonny Merida, parish priest ng St. Peter.

Sa darating na Agosto 2, Lunes, magkakaroon ng libreng serbisyo ang Trio Tagapayo sa mga residente ng Bgy. 592 Dist. 6 sa Sta. Mesa, Manila. Ang pre-screening at registration ng mga kaso ay gaganapin sa July 23-31, 9 am-5 pm, at sa August 1, 9 am-12 pm sa naturang barangay. Hanapin lamang si Dyana Santiago at mag-present ng valid ID.

Mapapanood ang Face To Face with Tiyang Amy ng Bayan, kasama ang Primerong Sawsawero na si Hans Mortel, Lunes hanggang Biyernes, 11 ng umaga, at 10:30 ng gabi sa TV5.

For comments, e-mail el_borromeo@yahoo.com.

Bore Me
by Erik Borromeo

loading...

8 thoughts on “Alfred Vargas, namimintog sa sobrang laki!

  1. ang shonga naman itong writer na ito… asan na un wowoweee mo? isa ka din sa bayaran ni willie ahahhaa kaloka ka.. bakit ka naging writer shonga ka tlaga i swear!!!

  2. sabi ko naman sa inyo hwg bsta bsta naniniwala sa mga nababasa nyo eh! pulpol itong writer na ito…susmio ilang araw na nsa PEP na wla ng Wowowee no!!!!!!!

  3. ako ay isang biktima ng tv host na baklitang c raymund g. pinic up nya ako sa ortigas sa driver nya sya nagutos na presyuhan ako . ako ay isang college student sa isang universidad d2 sa maynila pagdating namin sa hotel agad nyang tinaggal ang aking damit at pantalon at dali dali nyang chinupa ang aking ti……… at pinauuwetan nya pa ako binubunyag ko lng ito dahil kulang ang binayad nya sa akin na pinag usapan namin ng kanyang driver ay hindi akma sa presyong binayad nya sa akin kyo un nabiktima ng baklang ito lumantad na pumipic up to ng mga gwapo at papable sa kahabaan ng ortigas ako may etsura din

  4. yan ang akala nyo..hehehe mga hunghang kau…wellei is wellei kong inggit kau…hehehe magsikap kau..
    sunod andyan ng bagong wowowei,…

  5. FYI lang po sa sumulat nito.. Medyo huli kayo sa balita.

    Tsugi na po ang WOWOWEE… PILIPINAS FOR THE WIN na po ang ipapalit sa time slot ng wowowee at sina Kris, Robin, Mariel, Valerie at Pokwang ang mga hosts.

    Pak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.