Alfred Vargas and Yasmine Espiritu’s baby girl Alexandra Milan was christened

NILINAW NAMAN ni Mark Herras sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado na hindi totoo ang kumakalat na isyung break na sila ni Ynna Asistio.

Nagsimula kasi ‘yun sa mga inilagay ni Mark sa kanyang Facebook account na tila malungkot ito.

Binanggit pa nitong gusto na nitong sumunod sa Mamang niya, tawag sa kanyang lolang namayapa ilang buwan lang ang nakaraan.

Napagdudahan tuloy na break na sila ni Ynna na kaagad naman niyang pinabulaanan.

Bago nga siya na-interview ng Startalk, nakita pa silang magkasama ni Ynna na magka-holding hands.

Ang sabi lang niya, nami-miss lang daw niya nang husto ang kanyang lola. Pero tutuparin naman daw niya ang pangako niya sa kanyang lola na pagbubutihin nito ang kanyang trabaho.

Dapat naman, ‘di ba?

Mabuti nga itong meron siyang bagong programang bigay sa kanya ng GMA-7. Mas lalong makikita rito ang galing niya sa pagsayaw dahil dance-serye ito na kakaiba sa mga napapanood sa kanya noon.

Siguro huwag na siyang maglalagay ng kung anu-ano sa Facebook o Twitter account niya dahil nabibigyan tuloy ng ibang kahulugan.

Mag-concentrate na lang siya sa trabaho niya para bumalik ang dating sigla ng career niya!

 

MASAYANG-MASAYA ANG MAG-ASAWANG Alfred Vargas at Yasmine Espiritu sa binyag ng anak nilang si Alexandra Milan nu’ng nakaraang Sabado.

Hindi man nakadalo ang ilan sa mga kinuhang ninong at ninang, dumating ang karamihan na malapit sa kanila.

Ilan sa mga taga-showbiz na tumayong ninong at ninang ay sina Cong. Lucy Torres-Gomez, Paolo Contis at Diana Zubiri.

Gusto ngang sumaglit ni Dingdong Dantes pero hindi talaga kakayanin dahil alas-singko ang flight niya pa-Singapore para sa event doon ng GMA Pinoy TV kasama si Iza Calzado na ninang din sana.

Pero ang pinakatuwang-tuwa ay ang Mommy ni Alfred dahil kamukhang-kamukha pala niya itong baby nina Alfred at Yasmine.

Kaya nga tawag nila sa baby ay Ching-Ching dahil Ching kasi ang palayaw ng Mommy ni Alfred.

Magli-limang buwan na rin ang ipinagbubuntis ni Yasmine pero hindi pa halata kaya puwede pa niyang i-deny sa totoo lang. Pero proud silang dalawa at masaya silang isi-share ito sa lahat.

Nu’ng huling check-up ni Yasmine, gusto na sana niyang malaman kung baby boy o girl ang ipinagbubuntis niya pero hindi pa raw ma-detect. Ang duda lang daw ng doktor, baby girl ito pero hindi pa sila sure.

Napagkasunduan na raw nina Alfred at Yasmine na kung baby boy ito, dito sa Pilipinas niya ipapanganak.

Gusto kasi ni Alfred, gagawin niya itong Jr. o Alfredo IV. Hindi raw kasi puwede roon sa Italy, dahil may batas pala roon na hindi mo puwedeng ipangalan sa ama kung buhay pa ito.

Kung girl naman, sa Italy raw ito iluluwal ni Yasmine dahil maganda raw kasi ang hospital doon sa Italy at libre lahat.

Type naman ni Yasmine, may Aurora ang name ng pangalawa nilang baby kung girl nga ito.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

2 thoughts on “Alfred Vargas and Yasmine Espiritu’s baby girl Alexandra Milan was christened

  1. Wow, swerte ni Alfred, ang ganda ng asawa nya. Yong beauty nya ka level sa beauty ni Kristine Hermosa. Ganda!!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.