Alfie Lorenzo, still has grudge over Judai-Ryan wedding

IBANG KLASE TALAGANG magbuhos ng tampo at hinanakit itong si Tito Alfie Lorenzo.

Matapos nga niyang dedmahin ang ‘clamor’ at request ng mga kaibigan at kapwa nagmamahal kina Judai at Ryan na magbahagi siya ng kanyang mensahe para sa dalawa, hayun at nailitanya nga niya sa kanyang kolum ang nasabing hinampo.

Nakakalokang basahin ang laman ng kanyang tampo at matatawag na galit pero gusto na lang namin siyang unawain.

Kaya nga ang wish namin sa bagong kasal nu’ng sandali namin itong makatsikahan, dali-dalian na nila ang paggawa ng baby dahil tiyak kaming ang bagong apo sa kanila ni Tito Alfie ang papawi ng anuman.

STILL SPEAKING OF the so-called ‘wedding of the year’, tila nasira naman ni Suzi Entrata-Abrera ang deal niya sa sarili na ‘pag 40 years old lang siya mag-uumpisang mag-entertain sa mga usaping ninang sa kasal.

“Hindi ko kasi talaga matanggihan sina Ryan at Judai. Para gawin ka nilang bahagi ng kanilang buhay is already a big honor, kaya’t dedma muna sa deal. Being a ninang sa kasal is a lifetime commitment also kaya’t um-oo na ako para sa kanila,” tsika ng host ng bagong Q-11 (na ipapalabas dins a GMA 7) show na Mommy Diary.

Akala nga raw niya nu’ng una, binibiro lang siya nina Judai, pero nang seryoso na siyang kausapin tungkol sa kasal, dun lang niya nalamang wala nang atrasan.

At dahil ninang na siya ng sikat na showbiz couple, nakahanda raw siyang maging pangalawang magulang ng mga ito at mas matalik na kaibigan.

Mapapanood ang Mommy Diary tuwing Wednesday (magsisimula ngayon, May 6) sa Q-11 at kahit 10-minuter show lang ito, with Suzi na kilalang magaling at malinaw magsalita kahit mabilis, parang kalahating minuto ka na raw na nanood.

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

8 thoughts on “Alfie Lorenzo, still has grudge over Judai-Ryan wedding

  1. …naku natatakot ang hitad na yan kasi…magiging mapili na si Juday sa mga roles nya at mababawasan ang komisyon nya as manager….mukhang pera yan eh….

  2. ipasok na yan sa home for the aged at gumagrabe na yan. ewan bakit pinapagtrabaho ba tong super senior citizen na to, uliyanin na kaya kung anu ano na mga pinagsususulat, BAKLANG HUKLUBAN!!!

  3. Baka gusto lang niyang maging flower girl din sa entourage at hilig ring magsuot nang wedding dress gaya nang anak ni Juday. Kaya sigura nagsuot nang wig para may pagkakabitan nang belo.

  4. hoy alfie i let go mo na si judai utang na loob pbyaan mo na sya di hbang buhay hawak mo sa leeg yan……..may sarili na yang buhay…….wagkn magtampururot!!

  5. nabasa ko nga yung hinanakit nya….dahil ni isa sa mga kapamilya ni juday hindi raw na-acknowledge yung efforts nya ni simpleng “thank you” wala raw…..ganun talaga pag-matanda na matampuhin…..isipin na rin judy ann “has a life to live and need a family to call her own”

Leave a Reply

Your email address will not be published.