Alfie Lorenzo, snobbed by Ate Vi?!


Ito’y reaksiyon ng isang kapwa-Vilmanian na du’n nagtatrabaho sa isang hotel sa New York kung saan nakatira ang grupo ng Star Cinema at In My Life cast. Lumabas kasi sa ilang pahayagan ang sentimyento ni Tito Alfie Lorenzo sa diumano’y pang-iisnab (?) sa kanya ng Star For All Seasons sa nasabing lugar.
Nais po naming ibahagi ng buo ang email na nakarating sa inyong lingkod mula kay Alan Trambulo, ang hotel receptionist sa nasabing New York Hotel. Si Alan po ay bahagi ng malawak na vilmasantosyahoogroups.com (worldwide ito huh!), at bahagi na po ng normal na pagpapalitan ng mga kuwento ang ganitong kaganapan. Humingi po ng permiso ang inyong lingkod para ito’y malimbag dito sa Parazzi.

Heto ang tsika ni Alan sa email niya:

“It’s been a crazy and a tiring shoot kay Ate Vi dito sa NY. I witnessed how professional si Ate Vi. Pag call time nya ay 7am..gising na sya ng 5am at exact 7am nasa baba na sya ng hotel lobby.

Alfie (Lorenzo) arrived May 6 sa booking nya na standard room, i gave him an upgrade suite para lang wala na syang masabi at with free comp. bkfast. Took him out for lunch kasama pa nya ang friend nya.

I paid pa his car service back to the airport so he will feel the hospitality ng pinoy dito.

clearly, he’s telling me na upset sya dahil di man lang sya pinatawag ni ate Vi just to make chikas and mag update sila. i explained to him na super pagod sa araw -araw na shooting na ang lalayo ng places. And then, the weather was not accomodating pa. Ate Vi was shooting in the rain plus lamig na lamig pa sya. She was really a trouper and i witnessed that. Ate Vi told me na nag kita sila sa elevator she was happy naman to see Alfie and she gave him a hug and a kiss pa. But that day meron pa din syang shooting. Si Ryan and Ralph nga naka sama nya sa sa hotel di sila nagkikita eh si Alfie pa…. Ryan was making lambing pa…mommy, can we go out shopping or watch a play. di na napagbiyan coz of her hectic shedules ..

Ako nga awa-awa kay Ate Vi pag kita ko sya na pagod2..

For me, if alfie wants to get intouch with Ate Vi….. bakit di sya ang nag effort to see her. Bakit iisipin nya na mag-solicit sya. I think he should understand that pag nasa US ka to do a movie, lahat ng minuto or oras mahalaga. Bakit di sya nag communicate sa Pinas na pwede naman nyang dalawin sa Batangas…. .

PS.
Ate Vi is aware of this… she will clear her side and hopefully wag nang lumaki pa. I guess Alfie really missed Ate Vi. “
So there!!!

BONGGA! IYAN LANG ang masasabi namin nang halos lahat ng mga kasama sa panulat (na mas marami pa kesa sa um-attend ng premiere night ng BFF nina Sharon Cuneta at Aiai de las Alas, na nakasabay nga nito) ay nakisaya sa birthday party ni kaibigang Lito de Guzman, ang kontrobersIyal na talent manager ng Baywalk Bodies. Bongga pa ang venue sa Skyroom Grill and Bar sa may Quezon Ave.

Bongga din ang ginawang pagpapakilala ng dalawang Baywalk Bodies groups – ang Baywalk Bodies Evolution (Rejoice Rivera, Kissa Kurdi, Wella Williams, Michaela Monteverde at Lucille) at ang Baywalk Bodies Prettilicious (Jeanette Joaquin, Palmolive Palma, Clarisse Mercado, at Dove de Vera). Niliwanag ni Lito na hindi buwag ang orig na Baywalk Bodies, dahil ‘nag-branch out’ lang daw ito.

Take note, mas seksi at marurunong na silang kumanta at sumayaw. Mga Inglesera pa ang karamihan!

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

Previous articlePinoy Parazzi Vol. II Issue #63
Next articleCandy Pangilinan, discriminated the Igorots?

No posts to display