Alex Medina, malaki ang laban sa pagka-Best Actor sa Cinemalaya

DALAWANG PELIKULA pa lang na entry sa Cinemalaya ang napapanood namin. Una, ‘yung Babagwa starring Joey Paras at Alex Medina. Ito ang irerekomenda namin sa inyo na panoorin ninyo, dahil mahusay ang latag ng kuwento nito at may suspense sa bandang dulo na ‘yung ending ay ikaw na manonood ang magbibigay ng “ending”.

Ang husay ng mga artista rito at malaki ang chance ng anak ng napakahusay na character actor na si Pen Medina na makuha ang Best Actor trophy. At puwede rin naman si Joey Paras na ayaw ring patalbog ang husay sa pagganap.

Medyo iindahin lang ng mga tenga ninyo ang mga pagmumurahan sa pelikulang ito na in fairness, hindi naman basta nakapagmura lang, kungdi importanteng-importante sa mga eksena.

Panoorin n’yo at I’m sure, tulad namin, papalakpakan n’yo ito.

Oh My G!

by Ogie Diaz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.