Alex Gonzaga, type na type ng isang young businessman ang kakinisan!

MUKHANG USO NA ngayon ang mga pambatang teleserye sa primetime. After nga ng May Bukas Pa na tinangkilik ng publiko, ito namang Agua Bendita ang papalakas nang papalakas sa ratings.

Ayon nga sa tsika, galit na nga ang ina nitong si Andi Eigenmannn na si Jaclyn Jose dahil nga mukhang maaantala ang pagpasok ng kanyang anak sa show.

Ang latest na balita ay mataas ang rating ng show dahil nga sa mga batang gumaganap na mga Agua Bendita.

At ngayon nga, may katapat na ang ‘Agua’ dahil nagsimula na rin ang Panday Kids at tatlo ang bida, sa pangunguna na  nga nitong si Buboy Villar, Sabrina Man at Julian Trono.

Kung ganoon, mahigpit pa rin ang tapatan. At mga bata na ang mahigpit na magkakatapat.

Suwerte nga ang batang si Julian dahil nga napili siyang maging bida. At ayon nga sa kanya ay 800 na bata ang nag-audition para sa kanyang role.

At ang naging kalamangan niya sa iba ay ang mahusay siyang magsayaw. Para nga siyang little Gary V. Bukod nga sa may Panday Kids itong si Julian, may dalawa pa siyang shows – Tropang Potchie na lead role siya, at kasama rin siya sa Zooperstars.

Ang tanong, hindi kaya mainsikyur na sa kanya si Buboy? “Hindi po, magkaibigan po kami, wala pong gano’n,” sey niya.

At napag-alaman din namin na hanggang ngayon ay hindi pa rin tuli ang dalawang bata.

“Baka po kasi ako biglang lumaki ‘pag nagpatuli na ako, baka next year na po,” sey pa ni Julian.

Si Joy Cancio at ang Focus ang nagma-manage kay Julian.

Kaya naman pala bongga!

AYON SA aming source ay tsugi na raw ang magaling na host na si Alex Gonzaga sa Juicy at ang matitira raw ay itong si IC Mendoza. Si Cristy Fermin na nga raw ang kapalit ni Alex. How true?

And speaking of Alex, napakalakas pala ng kanyang sex appeal sa mga young businessman. May isang young businessman kaming nakausap na type na type si Alex.

“Makinis siya,” sey ng young businesman. ‘Yun na!

SI REGINE Velasquez, pumayag nang libre. Yes, ‘yan ang totoo, sa darating ngang concert ng soulful ballader at certified gold record artist na si Myrussa darting na February 27 at Teatrino, Greenhills.

For free nga at hindi nga nagpabayad ang songbird. At take note, may duet ang dalawa at talagang kaabang-abang.

At kasama rin ang dating MYMP na si Juris Fernandez.

Parang tribute sa OPM music ang said concert ni Myrus. Unang pinasikat niya ang revival song na Sayang.

Kaya naman  sa lahat ng mahihilig sa OPM ay bumili na po kayo ng tickets dahil nga 300 seats lang ang capacity ng venue.

“Dream come true nga ang nangyari, isa sa mga favorite artist ko si Regine. Nang in-approach nga po namin sila, sabi po ni Cacai (sister of Regine) noong una, may commitments po si Songbird. Pero gumawa pa po ng paraan si Ms. Cacai na maayos ang schedule. Kaya ngayon po natuloy,” sey ng Sentimental Prince.

KALOKAH ANG nasagap naming tsika tungkol sa isang sikat na international singer natin na minsan ay tumanggap ng isang show at pinagbigyan ang isang productions dahil nga para sa kawanggawa kuno ang said show.

Hindi na nga naningil ng standard talent fee ang female singer pero naloko pa rin sila ng producer/organizer.

Yes, tumalbog nga ang tseke na ibinayad sa female singer at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ito naaayos.

Sabi pa nga ng aming source ay dapat makatulong sa foundation ang producer pero kabaligtaran ang nangyari.

Sila pa ang humihingi ng pera sa foundation.

O, ano kilala n’yo ba ang nilokong female singer?

Ang clue, may kapatid din na singer ang bida natin. ‘Yun na!

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

2 thoughts on “Alex Gonzaga, type na type ng isang young businessman ang kakinisan!

  1. Well, the Pinoy hoi polloi have the intellectual capacity of pre-schoolers so natural, sisikat ang mga pambatang shows. lolz

Leave a Reply

Your email address will not be published.