Alex Gonzaga: TV5’s Original Princess bids farewell

BAGO PA man binigyan ng atensyon ng TV5 ang female talents nito na sina Jasmine Curtis, Danita Paner, Eula Caballero, Ritz Azul at Arci Muñoz, ang Singko ay nag-focus sa isang versatile artist. Ito ay walang iba kundi si Alex Gonzaga.

Tagged as ‘the original Princess of TV5’, si Alex Gonzaga ang masasabing isa sa recognized personalities sa bakurang ng Singko. From talk shows to comedy skits to drama series, siguradong may exposure diyan ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

Kung dati-rati ay halos walang pahinga ang dalaga sa dami ng proyekto niya, kapansin-pansin na tila hindi na siya ang favorite ng istasyong pinagsilbihan ng maraming taon. Huling nasilayan si Alex sa eco-fantasyang ‘Enchanted Garden’. What went wrong?

May mga usap-usapan na babalik na diumano sa ABS-CBN si Alex Gonzaga. Nakatakda na raw itong pumirma ng panibagong kontrata at kasali siya sa isang bagong soap opera. Marami ang nabibigla sa rebelasyong ito dahil ang tingin ng marami ay nasa ‘secured’ place na ito.

Balikan natin ang humble beginnings ni Alex Gonzaga sa showbiz.

Ang teen-oriented show na Let’s Go ang naging unang programa ni Cathy Gonzaga sa ABS-CBN. Kasabay niya rito ang ilan sa mga naging favorite teleserye leading ladies ng Dos tulad nina Bangs Garcia at Charee Pineda. Dahil ‘Alex’ ang pangalan niya sa nasabing programa, kalauna’y in-adopt na niya ito bilang screen name. Lumabas din ito

bilang sidekick ni Kim Chiu sa Philippine version ng ‘My Girl’.

Lumipat ito sa bakuran ng Singko noong 2008, kung saan siya ang napiling host ng daily showbiz-oriented show na ‘Juicy’. Siguro’y nakitaan ng malaking potensyal bilang talent, sinabak ito sa mas maraming proyekto tulad ng LokoMoko, Everybody Hapi at BFGF.

Sa sobrang bilib ng TV5 kay Alex Gonzaga, bigla itong sinabak sa dramahan. Ilan sa mga naging tearjerker projects niya ay ang Babaeng Hampaslupa, P.S: I Love You at Enchanted Garden. Dahil dito, tinawag din siyang ‘TV5 Primetime Princess’.

For sure ay marami ang naiinggit sa naging achievements ni Alex. Ngayon na siya ay babalik na sa original home network, we wish her the best of luck. We’re hoping to see her on the big screen (wala pang launching movie si ateh!) and hopefully, a recording contract.

Ang pag-alis ni Alex Gonzaga ay hudyat naman para sa ilang talents ng TV5 na magpakitang-gilas. Sino kaya ang papalit sa tronong iniwan niya?

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

5 thoughts on “Alex Gonzaga: TV5’s Original Princess bids farewell

  1. mizha and mariantuod? sobra kayo judgemental? sorry…pero sikat na sikat si alex gonzaga sa MINDANAO noh!  at  yung maya ni jodi sta. maria? kayang kaya yon ni alex gonzaga… sa palabas nga niya kinuha yung concept nun eh!

  2. Naku, tagal na siya binibigyan ng break ng TV 5 sa mga shows nila na siya pa mismo ang biuda- may nangyari ba?
    Kaloka, papaano sisikat yan e ang Ate Toni niya mas nauna na sa kanya sumikat.
    Sa showbiz, sabi nila wala sumisikat na dalaqwang magkapatid.
    At isa pa,. tama na. maawa na naman siya sa kanyang sarili noh!
    Trying hard na siya! Maganda pa ang kasambahay namin kaysa sa kanya.
    Yan ba ang tunay na ilusyunada.
    Punta na lang siya ng Amerika habang bata pa siya baka may career pa siya doon

  3. AY NAKU ANG TALENT LESS AT WALANG KA APPEAL APPEAL NA BABALUNG TO BABALIK PA SA ABS! DYAN KA NALANG SA TV5 WHERE YOU BELONG BABALINANG FEELINGERA!!! PAMPASIKIP KA LANG SA ABS!!!! DI KA APNG LEAD STAR PANG EXTRA AT SIDE KICK LANG ANG PWEDE SA FEZ LAK NITO

Leave a Reply

Your email address will not be published.