Alex Gonzaga, tinawag na ‘Anti-Jejemon’ si Heart Evangelista

 
FOR THE first time, nagsama ang dalawa sa mga Pinoy celebrities na may malaking following sa YouTube – sina Alex Gonzaga at Heart Evangelista.

Kung si Alex ay kilala sa pagiging hyper, kalog at ‘pang-masa’, si Heart naman ay kilala sa kanyang pagiging maarte, sosyal at sa pagiging masa din. Actually, si Heart ang isa sa very rare artists natin na may malawak na fan base whether sa A, B, C , D or E crowd.

 


Kaya naman talagang inabangan ng netizens ang pagre-raid ni Alex Gonzaga sa opisina ni Heart Evangelista at ng kanyang asawa na si Chiz Escudero. In her usual self, binalahura na naman ni Alex ang personal space ni Heart. Sa isang part pa nga ng video ay inamin ni Alex na talagang idol na idol niya si Heart Evangelista. Surely, marami ang nakarelate sa nakababatang kapatid ni Toni. May time kasi noon na si Heart talaga ang ‘IT Girl’ at siya ang sumalo sa puwestong iniwan noon ni Jolina Magdangal sa ABS-CBN. 

Panoorin ang video nina Alex at Heart!

 
         
 

Vlog Watch

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.