Alex Gonzaga, tinatalbugan na ang sister na si Toni?!

BLIND ITEM: EWAN lang kung masusundan agad ng bagong proyekto ang kailan lang ay ginawang limited series ng isang aktres sa isang network dahil kumalat ang chika na naging pasaway siya sa taping. May tapings daw na nale-late siya, nagta-tantrums na kapag naglilipat ng location, at sinasabi sa staff na kung puwede ay nasa iisang location na lang ang taping.

Sinusumpong ng katamaran ang aktres, bukod sa nagiging moody. Namamayat ito at laging namamawis, manifestations nang hindi pa rin mapigilang pagdodroga. Nawala sa eksena ang aktres dahil daw sa depression, naglagi sa Amerika at ang balita’y nagtangkang magpa-rehab doon.

Pero, mukhang hindi pa siya totally rehabilitated. Lagi pa ring nanlilisik ang mga mata ng aktres at iba na ang dating. Ang sabi, hindi raw matanggap ng aktres na talagang hindi na siya kasing-sikat ng dati. Wala nang pumapansin sa kanya. Nakapanghihinayang dahil for a time ay naging medyo relihiyosa at ispirituwal ang dating nito na mahilig magpadala ng inspirational messages sa mga kaibigan.

Tsk, tsk… what went wrong?

AYAW PATULAN NI Alex Gonzaga ang chikang tila malapit na niyang talbugan ang kapatid na si Toni Gonzaga. Si Alex ay obviously paborito ng TV5, considering na may limang shows siya rito – Juicy, Everybody Hapi, BFGF, PO5 at Lokomoko U.

Si Alex mismo ay parang nagugulat kung paano niya nama-manage ang kanyang oras. Ang sabi niya, “Alam kasi ng management ang schedule ko, and they see to it na may sapat akong pahinga. Kung sa ibang network lang siguro ako, baka katulad na rin ako ng ibang talents na hindi na natutulog. Sa TV5, they give me enough time to rest.”

At parang pareho lang daw kasi ang nagagawa nila ni Toni – kumakanta, umaakting, nagho-hosting. Hindi siya nagpapaapekto sa comparison sa kanila. Nakabubuti pa nga na sa magkaibang networks sila nagtatrabaho, at sa ganoong paraan, talagang naka-create na si Alex ng sarili niyang identity sa kapatid na nauna nang nagkaroon ng maraming achievements.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

14 thoughts on “Alex Gonzaga, tinatalbugan na ang sister na si Toni?!

  1. ALEX AT TONI PAREHONG MUKHANG KATULONG HUWAG KAYONG DIDIKIT KAY BEA AT ANGEL PAPANGIT NINYO

  2. leonora nakaka awa k namn dapat lahat talaga gagawin mo siraan lng si noynoy at manalo si villar hehehe , kung gusto mo manalo si villar magpakka desente ka daming natuturn off na maka villar dahil sa mga ginagawa nyo

    • –hindi kaya yan si Maricel Soriano!!! nag punta ba cya sa tate? d nman ata ah! ang sa pgkakaalam ko “dahil for a time ay naging medyo relihiyosa at ispirituwal ang dating nito na mahilig magpadala ng inspirational messages sa mga kaibigan.”… dba naging relihiyosa at ispiritual si Chin2x nung namatay ang mother nya… kaya nga cguro nagka sampalan sila ni Lorna T. sa teleserye nila noon.

  3. For the past three generations, the Cojuangcos have been at war among themselves. First the sons, then their grandchildren, and now their great grandchildren. It all started about money and now it’s all about power and the ultimate political plum — the nation’s presidency.

    Now, a battle royale looms between the Cojuangcos — Benigno “Noynoy” Aquino III vs. Gilbert “Gibo” Teodoro Jr — for the highest position in the land, the presidency. While there are other candidates in the 2010 presidential race, Noynoy and Gibo represent not only their feuding families but also rival political forces as well as competing economic interests. The stakes are high.

    The 10-million strong global Filipinos in more than 200 countries are watching the two fifth-generation cousins, Noynoy and Gibo, slug it out in the largest — and possibly, final — battle of the Cojuangco wars.

    • –hindi kaya yan si Maricel Soriano!!! nag punta ba cya sa tate? d nman ata ah! ang sa pgkakaalam ko “dahil for a time ay naging medyo relihiyosa at ispirituwal ang dating nito na mahilig magpadala ng inspirational messages sa mga kaibigan.”… dba naging relihiyosa at ispiritual si Chin2x nung namatay ang mother nya… kaya nga cguro nagka sampalan sila ni Lorna T. sa teleserye nila noon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.