Alex Gonzaga, threatened by Nadine Samonte’s entry in TV5?!

TULUYAN NA NGANG lumipat sa Kapatid network ang dating Starstruck avenger-turned-soap opera actress na si Nadine Samonte. Marami ang nakapuna na hindi na siya masyadong binibigyan ng magandang exposure ng kanyang home network kaya ito lumipat. Nakatakda nang magbida si Nadine sa kanyang unang teleserye sa TV5, kung saan makakasama niya ang nagbabalik-showbiz na si Leandro Muñoz. May mga naka-line up din itong TV guestings at movie projects. Dahil sa pagbibigay-importansiya ng TV5 sa bago nilang bituin, marami ang nagsasabing threatened na raw ang tinaguriang ‘Prinsesa ng TV5’ na si Alex Gonzaga. Baka nga naman maetsa-puwera na ang beauty ng utol ni Toni Gonzaga lalo pa’t over-exposed na ito sa Singko. Time to lie low na ba muna, ‘teh? Ipahiram mo muna kay Nadine ang korona!

 

IWA MOTO, TULUY-TULOY ANG PAG-E-EMOTE SA TWITTER!

Kung si Rhian Ramos ay tila okay na pagtapos ng kanyang Twitter war sa ex-boyfriend na si Mo Twister, mukhang salu-ngat naman ang nangyayari sa kapwa niya Kapuso star na si Iwa Moto. Naging negative ang dating ni Iwa sa media matapos nitong basagin ang kotse ni Mickey Ablan, ang kanyang ex-boyfriend nang dukutin nito ang kanyang cellphone sa set. Sunud-sunod pa rin ang Twitter status updates ng dalaga na halatang hindi maka-move on sa kinahinatnan ng kanilang relasyon. May tsikang ang sexy starlet na si Janna Dominguez na raw ang bagong girlfriend ni Mickey Ablan. Dapat siguro’y turuan mismo ng GMA Artist Center ang kanilang primera kontrabida ng ‘anger management’. Unsolicited advice lang po!

 

TAMBALANG MANNY AT MARIAN, BUBUWAGIN NA!

Tuluyan na ngang mawawala sa ere ang Show Me The Manny, na pinagbibidahan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at Primetime Queen na si Marian Rivera. Ikinalungkot ng mga cast and crew ng programa ang nasabing balita. Hu-ling taping day na ng tropa noong Martes. Halatang very close na sa isa’t isa ang mga kasama sa programa na dalawang taon din ang itinagal sa ere. Ayon sa aming impormante, magkakaroon pa rin ng bagong sitcom ang Siyete at karamihan pa rin ng cast members nito ay mga SMTM stars din. Marami naman ang nagwi-wish na sana’y ang Andres de Saya nina Cesar Montano at Iza Calzado ang ipalit sa iiwanang timeslot nito.
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

16 thoughts on “Alex Gonzaga, threatened by Nadine Samonte’s entry in TV5?!

  1. hoy baklang malandi tete na lng asikasuhin mo talaga namng mas lamang ang gma7 KESA JAN SA ABSCBN,T.V.5… SINO MAY SABING LAOS ANG GMA?HOY MAGHUNOS DILI KA BAKLANG MALANDI PARAKAON SA TITI…MAS ANGAT ANG GMA KESA JAN SA ABSCBN NA MADADAYA SA RATINGS…CONGRATULATIONS TO MS.SUZETTE DOCTOLERO SA PAGKAKASULAT NYA NG TOP RATINGEPIC SERYE NA BAI AMAYA,CONGRATULATIONS DAMING NAOVERWHELMED,GANDA GANDA STORY NYA..VERY HISTORICAL,CULTURAL,MADAMING MAKUKUHANG ARAL MGA STUDYANTE RELATED TO ARALING PANLIPUNANBRAVO, UNIQUE IT REMINDS ME THE SOAP OPERA, NA KOREAN ,YONG JEWEL IN THE PALACE…WONDERFUL CAST,STORY AGAIN CONGRATS SA LHAT NG CASTS ESP.TO BAI AMAYA 9marian rvera)….

  2. AKALA KO BA NAG RERATE ANG MGA PROGRAMA NG KAPUSO? BAKIT TSINUGI? KAYA AKO AYAW KO NG MANIWALA SA MGA TV RATINGS. KASI PAREHO NAMAN SILANG NAGOOKRAYAN PAGDATING SA RATINGS. SABI NG ISA SILA NUMBER ONE SABI NAMAN NG ISA SILA DAW ANG NUMBER ONE. KAYA TAMA SABI NI GERMAN MORENO NA MAS TOTOO ANG TV RATINGS NA GAWA NG MGA KAPITBAHAY, KUNG SINONG TV STATION ANG TALAGANG PINAPANOOD NG MGA KAPITBAHAY YUN ANG TOTOONG PINAPANOOD AT TINATANGKILIK KAHIT WALANG GROCERY NA BIGAY!!!! KUHA NYO? HAHAHAHAHHAHAA

  3. walang makakatalo kay alex ano!!! sya pa rin ang original at nag iisang prinsesa ng TV5! walang kokontra! versatile si alex, kayang mag comedy mag drama at mag host! at ang galing pang mang imitate! yan ang wala ang iba! gogogo alex! we love you!

  4. eh panong di ma frozen delight c HERO? eh laging siniraan ni CRisty Fermin noon sa THE BUZZ!!!grabing banat ni cristy ky hero ayan tuloy, lumipat sa 7. tapos nag laho na……..

  5. exciting lang sa singko si Nadine, dahil bagong salta pa lang, pero mas talented si Alex Gonzaga sa kanya. Di kakayanin ni Nadine ang sense of humor at wit ni Alex.

  6. SIRAULO ANG TV5 SA PAGTATAPON NG PERA SA MGA PANGET NA STARLETS NA CNA ALEX GONZAGA & NADINE SAMONTE. PAREHO LNG CLANG WALANG TALENT KUNDI KUMAIN NG BURAT, BAYAD, TAMOD AT KUPAL NG MGA LALAKE NILA. MANONG KUMUHA ANG TV5 NG MGA FRESH NA TALENTS TAPOS I-WORKSHOP NILA NG MAAYOS NG MATUTONG UMARTE. C HERO ANGELES KUNIN NILA KC MAY POTENTIAL YUN KAYA LNG NA-FROZEN DELIGHT SA ABS. BAKIT NGA KAYA NO?

  7. agree ako sa isang nag-comment dito re: pacman. .Bakit di na lang sya mag focus sa kanyang trabaho bilang congressman. Hindi naman niya kailangan ng pera dahil bilyonaryo na sya at sikat na sya, ano pa bang gusto niyang patunayan? Natutuwa ako at marami syang natutulungan na mahihirap niyang kababayan kaya un na lang ang kanyang paka-tutukan.

  8. mahal namin si marian and we will support her in all her projects…go girl! and2 kaming mga fans na laging magmamahal sa yo!

  9. over exposure na itong c pakyaw!! bakit bah di nalang sya mag focus sa trabaho nya bilang congressman???? ang daming problema sa mundo, nakikisali pa sa showbiz!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.