Alex Gonzaga : The Personal Touch of Artistic Funny Comedian (Part 2)

NAALALA KO masaya palang kausap ‘tong si Alex Gonzaga. Ayon sa kanya, dalawa silang magkapatid at ang panganay ay si Toni Gonzaga na minsan ay tinatawag siyang boy ng kanyang daddy.

Paano ka na-discover Alex? “Uhhmn, kasi po… kasi binigyan ako ni Maestro ng pagkain, kumain tuloy ako. Haha! Kasi po iyong sister ko noon, kalilipat pa lang niya sa ABS-CBN. Lagi akong sumasama sa kanya sa taping nila ng pelikulang My Juan En Onli . Then, na-meet ko si Ms. Dagang Vilbar. Eh, patawa po kasi ako nang patawa, kasi naging close ko na siya noon. Hindi ko naman alam na big boss siya. Tapos noong one time, kelangan niya ng teen. Siya with Direk Bobot, kelangan nila ng teen-oriented show na bago. Kasi iyong PBB, sina Kim Chiu, first PBB Teens. So ayun, tinawagan ako, sabi ko, “Weh, hindi nga! Hindi nga, ‘di ako naniniwala!”  Sabi niya, “sige na magsama ka ng friends mo. Mag-audition ka!” Hayun isinama ko ang friends kong mag-audition.”

Nang makausap ko si Alex ay 22 pa lang siya noon. You finished college already? “I’m still in college studying.”

What course? “Before, Education; but now, Humanities.”

Ano ang libangan ni Alex? “Gusto ko nasa mall ako para marami akong nakikita, masaya ako. ‘Yung pinaka-peak ng happiness ko eh, kapag nanonood ako ng sine!”

Hindi ka ba nangangamba sa loob ng sinehan? Ako kasi nangangamba diyan, eh. “Bakeeet?”

‘Pag may umutot d’yan, masisinghot mo, eh! “Ay, hindi! Ako kasi iyong umutot… char! Hahahaha! Hindi naman, ako minsan iyong umuutot.”

Haha! Anong klase ng film ang gusto mong pinapanood? “Ah, siyempre babae ako, romantic comedy, para ma-in love ka.”

Sige nga ano ang tawag sa iyo ng mommy mo? “Catherine! Pagka mabait, bunsoow! Pagkagalit Katherinnnnn!”  Pagka galit na galit, ano ba tawag sa ‘yo Katkat?! “Hinde, buwiset ka! Iyon! Hahahaha!

Ah, okey ka sa komedya. Pero alam mo hindi ka mawawalan ng trabaho? “Ah, hindi po. Hihihi!”

Tinanong ko ano ang mga tipo niya sa lalaki? “Hindi po kasi mahilig sa… magagandang lalaki! Waah… magagandang lalaki raw charing. Hindi ako iyong mga gwapu-gwapuhan, gusto ko iyong personality nakakatawa. Iyong lalaking-lalake na nakakatawa. Iyon ang gusto ko talaga, hindi iyong mga looks, iyong personality po talaga, kaya wala akong masyadong crush. Hihihi!”

Kapag natutulog ka, anong suot mo Alex? “Butas-butas! Charrr! Hahaha! Iyong pinaka-kumportable na damit, ‘di ba?!”

Ano iyon, butas sa likod, sa kili-kili? “Iyong maluluwag na damit, iyong presko talaga. Kasi ‘pag butas talaga, labas-masok iyong hangin. Hindi ako masyadong maporma sa pagtulog ko.”

Galing galing mo Alex. Anong yapos mo kapag natutulog ka? “Ah, nagkakalikot ako ng ano…”

Nang bulak? “Hindi iyong punda, kinakalikot ko iyong dulo.

Kinalakihan mo siguro iyon ano? “Oo. Ate ko (Toni Gonzaga), kiskis naman.”

Your dad, ano’ng tawag sa ‘yo kapag nilalambing ka? “Bunso.”

‘Pag galit ka naman sa Dad mo, tinatawag mo sa pangalan niya? “Oo, minsan Bonoy! Naku hindi. May Facebook nga ako daming nag-react, sabi ko pinagalitan ako, wala akong malabasan ng sama ng loob, sabi ko I hate Bonoy! Haha.. naku nagalit iyong mga tao! Sige na nga erase ko na.”

Maestro: Anong height mo? “Five and a half.”

‘Yong status, eh.. statistics? “Hahaha! Naku, 12! 12-12-12. Hindi ano po…”

Para ka no’ng stick! Hahaha! “38! Wahhh, hindi 32, hahah! 24, 22, wahhh! Cone! 33 siguro o 34.”

Sabi mo, hulaan kita, o sige, ok. Ito pag ganu’n kanan. Ah, ito kanan, ito pakaliwa. Ito pakaliwa kapag pumunta ka roon kakaliwa ka, ito sa kanan, kakanan ka. Ito magkakaasawa ka ng lalaki tapos magkakaanak ka. Hahahaha! “Ay, ‘di ko ini-expect ‘yun, ah! Hahaha!

 

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia. E-mail orobiakpp@yahoo.com cp 09301457621

Larawan sa Canvas

By Maestro Orobia

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.