Alex Gonzaga: Prinsesa ng TV5!

BONGGANG-BONGGA TALAGA ANG status ng sisteret ni Toni Gonzaga sa TV5 na si Alex Gonzaga, huh! Kung sa ibang istasyon ay ang daming nag-aagawan sa puwesto ng pagiging ‘prinsesa’, solong-solo naman ito ng aktres sa bakuran ng Kapatid network.

Matatandaang nag-umpisa sa isang teen-oriented show sa Dos si Alex bilang isang kikay fashionista. Naka-loveteam pa nga niya si Mikel Campos at kahit papano ay tinangkilik ang short-lived tandem nila. Lumabas din bilang support sa ilang palabas ng Dos tulad ng Pangarap na Bituin, My Girl, Komiks Presents Tiny Toni at My Only Hope.

Bilang kapatid ng isang Toni Gonzaga, naging isang malaking hamon kay Alex kung paano makakagawa ng sariling tatak sa industriya. Pareho kasi silang versatile – magaling kumanta, sumayaw, umarte, magpatawa at mag-host.

Buti na lang at kinuha agad ng TV5 ang serbisyo ni Alex nang opisyal silang naging ‘Ka-Shake’. Siya ang kauna-unahang solo host ng Juicy at kasali rin siya sa mga programang Loko Moko High at Everybody Hapi. Sa dinami-rami ng shows ni Alex sa TV5 at sa dami rin ng positive reviews mula sa mga kritiko, masasabi na nga na nakagawa na rin ng sariling pangalan si Alex, na higit pa sa pagiging ‘Toni Gonzaga’s Little Sister’.

Sa ngayon ay mapapanood din si Alex sa PO5 at BFGF, ang bagong Sunday romance-comedy show ng TV5 kung saan isang bisayang yaya ang kanyang papel. Ka-loveteam niya rito ang Calla Lily frontman na si Kean Cirpriano at base sa mga opinyon ng viewers, mukhang may potensiyal namang tumagal ang palabas na ito.

Talaga nga namang sikat na si Alex, huh! Sana lang ay mabigyan na rin siya ng sarili niyang pelikula at recording album. Aba, saying ang ka-freshness!

Questions? Comments? Suggestions? E-mail us at pinoyfansclub@gmail.com and visit our website at http://www.pinoyfansclub.com

loading...

4 thoughts on “Alex Gonzaga: Prinsesa ng TV5!

  1. Agree ako sa movie pero dapat magpakilala pa sila ni kean sa public as loveteam. Maganda nga yung bfgf pero dahil katapat Ito ng the buzz medyo hirap sila sa rating. Dapat may primetime soap din si kean at Alex. I’m very Positive sa kanilang loveteam success, coz individually they’re doing great already.

  2. one day,hindi na ko magugulat kung mabigyan narin si alex ng titolo maliban sa princess of tv5,

    sana mabigyan din sya ng movie project

Leave a Reply

Your email address will not be published.