Alex Gonzaga, natural ang pagka-komedyante

Alex Gonzaga

Alex Gonzaga

Matagal-tagal na rin sa showbiz si Alex Gonzaga pero ngayon pa lang siya magbibida sa isang pelikula. Ito ay sa pamamagitan ng rom-com movie na “My Rebound Girl”.
Sa trailer na aming napanood, kuwelang-kuwela ang mga eksena ni Alex. In fairness naman kasi sa babaeng ito, natural ang pagiging komedyante niya kaya naman hindi kataka- takang marami ang naaaliw sa kanyang comedy acts mapa-pelikula man o telebisyon.
Itong “My Rebound Girl”, kung saan kabituin niya si Joseph Marco, ay sinisiguro ng mga taong nasa likod ng pelikula na aasahan ang maraming kilig moments sa dalawang stars ng pelikula.
Sabi nga ng ilang kasamahan natin sa panulat, may chemistry raw sina Alex at Joseph na una na nilang napatunayan noong magkasama sila sa isang teleserye ng ABS-CBN na “Pure Love”.
Tama nga talaga ang ideyang pagsamahin sila sa pelikula, dahil marami na rin silang mga tagasuporta na nag-aabang sa kanila. Balita nga namin, sobra sa kakiligan ang movie.
Kung nabitin daw ang mga tagahanga nila sa “Pure Love”, dito sa bago nilang pelikula, masusulit ang kanilang panonood dahil naging mas makatotohanan ang kanilang mga ipinakita, lalo na sa mga lambingan moments nila at ka-sweet-an.
Ang “My Rebound Girl” ay ipalalabas na sa mga sinehan sa September 28.

Rodel Fernando
by Rod’s Nest

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.