Alex Gonzaga, naiinggit sa buhay-may asawa ng ateng si Toni Gonzaga?

Alex-GonzagaMukhang malapit-lapit na ring mag-asawa si Alex Gonzaga at susundan ang ate Toni Gonzaga niya. Siguro naiinggit na siya sa Ate Toni niya na tila happily married naman at masaya sa piling ni Direk Paul Soriano.

Sa totoo lang, wala akong maalala na nagkaroon siya ng boyfriend (yes openly na lalaking umamin na girlfriend nila si Alex), na ewan ko kung ‘yong sa kanila ng dating ka-love team na si Kean Cipriano ay tunay na may “something” sa kanila.

Recently sa presscon ng “Buy Now, Die Later” na MMFF 2015 Entry ng Quantum Films, binitawan na rin ni Alex ang konting detalye tungkol sa non-showbiz guy na regular niyang nakade-date. Isa itong Chinese named Carlo Chungunco.

Ayaw mag-elaborate na ni Alex tungkol sa kanila ni Carlo. Basta ang deskripsyon niya sa sinasabing relasyon nila ay “namumulaklak” na ewan at ‘di ko alam kung ano ang ibig ipakahulugan ng dalaga. Ayaw muna niyang ikuwento ang detalye tungkol sa kanila ng “boyfiend” niya. Ayaw niyang ma-pre-empt ang sinusulat niyang libro kung saan kabilang ang kuwento nila sa book.

Kuwento ni Alex, kapag may ipinakilala siyang lalaki sa kanyang parents, kadalasan sa hindi, sila ang nag-a-approve. “Si mommy at daddy ko kasi, kapag meron akong ipakikilala sa kanila or merong nanliligaw sa akin, sila na kaagad ‘yung mag-a-approve, wala silang sasabihin sa ‘yo kung approve.” Pakirawi ni Alex, nakalutang pa rin sa space si Carlo.

Reyted K
By RK VillaCorta

Related Post

loading...

One thought on “Alex Gonzaga, naiinggit sa buhay-may asawa ng ateng si Toni Gonzaga?

  1. Etong babaeng ito ang nagdala ng sandamakmak na malas sa ABS-CBN. Bakit pa kasi kinuha ito, dapat hinayaan na lang lumubog ito sa TV5. Lahat ng shows na lang sumasali kahit na OA naman sa paghohost. Ang layo ng talent ng ate nya sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.