ALEX GONZAGA, FEELING BIG STAR NA?!

HOW TRUE NA lumaki na ang ulo ni Alex Gonzaga? Feeling big star na raw kasi ngayon ang dalaga. Hindi na raw ito maabot kung umasta.

Sa Fantastik! na Sunday noontime show ng dalaga, gusto raw ni Alex na kapag siya ang sinalang ay tuloy-tuloy na. Ayaw niya raw na nakatengga siya at naghihintay para isalang muli. Hindi raw niya type ang maghintay dahil ang dami nga naman nila sa cast ng nasabing show.

Also, ayaw raw sundin ni Alex ang stylist na ibinigay sa kanya. One time, pretty girls ang tema ng production number ni Alex kasama ang tatlo pang babae sa show. Hindi raw kagandahan ang damit nitong pink at pinapapalitan ng stylist niya ng isang mas sosyal na damit. Aba, deadma raw ang Alex. Parang wala raw itong narinig.

May pakiramdam naman daw ang stylist, kaya hinayaan na lang niya si Alex na suotin ang gusto niyang suotin.

At sa Juicy naman daw ay problematic pa rin ang taga-production. Habang nasa stage na ang mga hosts nitong sina Cristy Fermin, Mo Twister, IC Mendoza at Shalala ay nasa dressing room pa raw si Alex at palaging pinaghihintay ang kanyang co-hosts. Kaya raw palaging nasisigawan si Alex ng kanilang executive producer.

True ba ang lahat ng ito, Alex? Pakisagot nga!

FOR THE LOVE of his mother ay may bagong show na prinodyus si Ariel Villasanta ng Ariel and Maverick tandem para sa kanyang inang si Mommy Elvie. The title of the show is Mommy Elvie@18. It’s a reality TV show na magbibigay ng kasagutan sa 18 wishes ni Mommy Elvie. At siyempre, may participation sa show si Cristina Decena na dyowa ni Ariel.

“Moral support lang ako. Kasi si Ariel ang nag-produce nito three years ago, ‘di ba? Sabi ko ipagpatuloy mo uli, kasi nung nakita ko ‘yung Mommy’s Problematic show, naniniwala ako doon sa theme nila. Ang galing nilang magpatawa, hindi corny. Ngayon, siya ang nag-produce at tinulungan ko sila sa marketing,” paliwanag ni Cristina.

Napahanga ni  Cristina si Ariel dahil sa ipinakita nitong pagmamahal sa kanyang inang si Mommy Elvie. Katabi kasi nilang matulog ang ina ni Ariel.

“Kasi nag-iisang anak si Ariel, so ayoko namang habang magkasama kaming mag-asawa,

naaalala namin si Mommy, kasi siya lang mag-isa.  Para wala kaming ganoong iniisip, kinuha ko na lang. Ngayon kasi, si Ariel gustong dalhin ako sa Provident, eh, single parent ako na may limang anak. Para mapagbigyan lahat, kinuha ko na lang si Mommy. Itinira ko na sa condominium namin,” lahad ni Cristina.

BLIND ITEM: NALOKA ang wardrobe department ng isang TV production sa isang beauty queen-actress. Napa-kaarte raw pala nito. Role ng isang mahirap ang gagampanan ng hitad sa isang once a week drama anthology ng isang network. Siyempre, mga daster ang dapat niyang suotin.

Nang sabihan ang beauty queen-actress na merong mga daster ang wardrobe department ay medyo natuwa naman ito. Kaya lang, mukhang hindi nakapasa sa panlasa ng aktres ang mga damit. Ang una ba naman nitong tanong ay “Nasaan ang price tag nito?”

Naloka siyempre ang wardrobe mistress. First time kasi siyang natanong kung nasaan ang price tag ng mga damit. Ang gusto pala ng aktres, brand new ang ipasuot sa kanyang damit kaya hinahanapan niya ito ng price tag. Hindi raw siya nagsusuot ng damit na sinuot na ng ibang tao.

Ito ang nakakatawa. Nagmaganda ang aktres na meron siyang mga dalang damit. Okay lang naman sa wardrobe department. Ang kaso, kulang ang dalang damit ng aktres, kaya naman natawa sila ng palihim nang itanong ng aktres kung nasaan na ang damit na pinasusuot sa kanya.

‘Ayun, isinuot din ng aktres ang damit na nung una’y inaayawan niya. ‘Kaloka siya, ‘di ba?

Sinex siya? Naku, minsan na niyang pina-hanga ang buong universe sa taglay niyang kagandahan. ‘Yun na!


Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

26 thoughts on “ALEX GONZAGA, FEELING BIG STAR NA?!

  1. …maria and orkidia sa (pinoy ako) nagpunta at naka tune-in ako dun,ayaw pumasok kasi sa pinoyonline bat kaya?…

  2. Maria, sinubukan kong pumasok dun sa cnabi mo na pinoy online pero it says it has moved to "ourtambayan.com". :-)

    • Ay sorry, pero napanoon ko yong old shows doon, I just clicked on the title with the date at doon ko nakita ang The Price is Right sa show on March 8. Subukan ko nga, puntahan ko at babalik lang ako Orkidia. Thanks.

  3. Ingat na lang kayo exile. Dapat meron kang first aid kit at mga de lata at tubig. Wag mo rin kalimutan ang flashlight/batteries para lagi kayong ready in the event of major earthquake.

    • …orkidia,thank you…ni remind mo ako..actually pag nag-pa-panic na pala di mo yan maisip yung mga bata at asawa mo ang iisipin mo,pero sarili mo di mo rin naiisip,kaya hayun kanina ko lang inilabas yung emergency bag nung mabasa ko to post mo hahaha… pero nakatulog din ako ng malalim,dahil sa nainom kong medicine dahil nga may-alergic ako.gaya nung mga nakikita nyo siguro sa tv na maraming naka mask galing sa mga flower daw…nagigising lang ako pag nag-aalarm yung cp,na sign na may quake,3X lang nman nangyari yun…back to normal na siguro dito…at ang sabi pa nila may masmalakas pa daw.gaya ng sabi mo orkidia…hindi alam kung kelan,nakanerbyos po talaga…pero bilib din ako sa mga japanese,talagang cool sila,na talagang disiplinado sila…sabi ko nga sa mga dalaga`t binata ko,walang aalis ng bahay.kaso yung husband ko di pwedeng hindi maki join sa mga co-teacher nya magpunta sa school nila,kailangang mag report kung may nabasag ba or any problem sa loob ng sr.high sch.kaloka….nakakalula na nga e ,feeling ko nga parang may hung over na ko or di kaya nasobrahan sa coffee or kaiisip hay naku… maituloy na nga yung naiwan kong trabaho kahapon sa garden ,kawawa naman yung rose naiwang nakatiwang wang baka madedo yun ang lamig pa naman kagabi….. and thanks god po talaga dahil nagising pa kame….well,kailangan nga talaga ng ingat at matinding pray…. thanks okidia…and thank you ALEX BROSAS dahi dito nailabas ko ang malaki kong kaba tnx po ulit……..

      • Exile, never mind, nabasa ko sa ibaba na sinabi mo na taga Yokohama ka pala. Yokohama was the place that my son visited in Japan, he went in 2009 and in the summer of 2010 because he has lots of friends in Yokohama and I asked him about his friends and he told me that they seem to be okay daw. Exile, I will keep you in my prayers. Glad that all of you are safe.

      • thank you po….yes…yokohama po ako,15min.from landmark tower.ok na ok po kami dito ng family….yun nga lang si husband nasa club nya nagtuturo ng handball…worried nga e….
        sana nextime visit ka rin sa japan, dito kayo sa bahay,nakatayo tayo pagmatulog,hahaha joke po….and thank you po ulet….

  4. …i agree orkidia,nagiging oa si alex.sayang ang beauty nya nagpapa-uto kay cristy f….
    na virus karin?ako nga e ,never narin akong nag punta sa pinoy channel,madalas akong ma-virus dun,kaya ang bagal tuloy mag re-search ng computer sa bahay…kaso dun lang ako nakakapanood ng ibat-ibang channel…sad nga e,dahil wala narin akong tfc…kaya hanggang radio,tabloid, news site lang ako….

    • Right after my son scanned my computer last week, i logged back in sa pinoy-ako.info, at ayun, na-virus ulit ako. He had warned me already to quit going to any of those sites to avoid getting infected again, but i just can't do it. Kaya ngayon, itong laptop ko ang ginagamit ko sa pagpunta sa kung saan2 at ung desktop ko eh para sa online banking na lang at sa iba pang mahahalagang bagay. :-)

      • …ang hirap nga pag-infected na,buti ka pa may alam ang anak mo…thank you orkidia,na warning mo rin ako…hilig ko pa namang magpunta kung saan saan….hahaha…tnx.

      • No worries! Dati kasi pag hindi ko na mahintay ang Mara Clara at Imortal, sa pinoy-tv ko na lang pinapanood. Pero binawalan yata ng ABS-CBN ang moderator nito dahil sa copyright complain raw kaya ayun, wala akong choice kundi ang i-record na lang ang mga paborito kong show at sa gabi ko na lang napapanood. Pero ung mga show ng GMA at TV5 ay ok pa rin naman.

      • gusto ko ngang mapanood yan e,kaso hindi nga rin pwede…
        habang ngayon e nahihilo na ko sa pag-uga dito sa japan,katakot po ang lindol….

      • At ki Exile din pala, napanood ko ang The Price Is Right sa pinoyonline.tv. Galing talaga mag host ni Kris.

      • ay kainggit ka teh!gusto ko yan, maka kris kasi ako…ok lang ba sa pinoyonline?walang sabit dun?tnx…

      • Exile, hindi ako na virus sa pinoyonline.tv, kapapanood ko lang ng The Price is Right sa March 8 episode just a few minutes ago . Galing talagang game show host si Kris, hindi boring at full of energy and it is very easy for her to talk to the contestants. At yong mga contestants, mababait sila. Ganda ng The Price is Right. Exile, nabalitaan mo na ba ang nangyayari sa earthquake sa Japan? Kawawa ng mga Japanese. My son had been to Japan twice because he really loves the japanese, mababait daw sila, very polite at mahiyain and they are very refine at mga edukada daw ang mga tao doon. At least the japanese na na meet nya. My son also went to Korea and he said that Korean is more western than the japanese people daw at yong mga drivers sa Korea daw, walang disiplena kagaya daw sa Pinas at mga mainitin daw ng ulo ang mga taxi at bus drivers sa Korea, he was run over by a taxi recently kasi he was walking and this taxi driver was rushing and hit my son. He had scrapes and minor skin irritation on his knee where he was plowed at. Nakakaluka

      • hindi nya teh dinimanda or sinapak man lang?.ay bayolente na pala yun…peace.
        naku po teh, dito ako sa yokohama japan,sobrang inuga kami kanina.kaya nung tumigil ng konte agad kong sinundo yung bunso kong grade3,at habang papauwi kami sinundan ulet ng yanig ,nakakatakot dahil hindi ka makatayo at makapaglakad ng maayos.buti nalang hindi nangyari itong lindol na ito nung march9 wed.dahil graduation ng 2 ko ring anak na jr. and sr. high sch….sa sendai ang matinding damage…malayo naman kami dun and thanks to god,pero kawawa sila at tiyak maraming missing…sana lang wag mangyari `to sa pinas dahil masmarami ang kawawadun matanda at bata…huhuhu….pero ok lang po kami dito,kahit nagwawala ang mga alaga kong ibon sa cage nila.hanggang sa ngayon e may pakonti konting lindol,actually nag ta-type ako lumilindol nga e,nakakahilo na ba….hindi yata ako makakatulog nitong gabing to, hay…katakot po talaga…tinawagan ko nga ang pamangkin ko sa pinas,grabe ang inay at umiiyak daw,kaya sabi ok na ok kami dito at kumpleto kaming mag-anak dito sa bahay,kaya walng pangamba at pray lang ang pampalakas ng loob…buti nalang sat.bukas…teh, thank you ulit,try ko dun sa pinoyonline….

  5. Alex, Big Star?! Ewwwww! Masyado syang feelingkera! Ni hindi nga nagre-rate ang show nya eh! Di bale….libre lang naman mangarap…Ahahaha! Poor individual!

    • http://www.pinoy-ako.info
      Naku, ingat ka lang dahil tuwi akong pupunta sa website nila eh hindi pwedeng hindi ako maba-virus. Saka, hindi ko na mapanood ang mga show ng Dos dahil sa copyright complaint. Sisterly advice, don't go there unless you have anti-virus, kung wala naman, pwede kang mag-download at meron naman libre tulad ng AVIRA ANTIVIR PERSONAL. Kaya lang i heard that they're gonna start charging fees come August 2011.

  6. Na-aartehan ako sa kanya pag pinapanood ko sa juicy. Pumasok na cguro sa ulo niya ang kasikatan dahil lagi siyang pinupuri ni cristy fermin at tinatawag pa niyang prinsesa. huh? Ang hirap lang, lagi akong naba-virus pag pumapasok ako sa pinoy-ako website.

Leave a Reply

Your email address will not be published.