Alex Gonzaga doesn’t want to work with Kean Cipriano anymore?!

 

HIGHLY RECOMMENDED PALA ni Direk Wenn V. Deramas si Alex Gonzaga sa Viva Films kung kaya agad-agad itong pinapirma ng kontrata ni Boss Vic del Rosario sa kanyang kumpanya.

Apat na pelikula ang gagawin ni Alex under Viva Films kung saan ire-remake ang mga pelikulang comedy ang tema, gaya ng Gagayni Gelli de Belen at Jack En Jill nina Megastar Sharon Cuneta at Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Wala naman daw maseselang ipinagbabawal sa kontratang pinirmahan ng dalaga.

Ang kumalat lang na balita, off limits lang daw sa paggawa nito ng proyekto sa nasabing kumpanya si Kean Cipriano.

Ang tanong-kaninong rule raw ba ito? Na hindi magsasama sina Alex at Kean sa anumang proyekto? Totoo kaya ito?

Isa pang bubunuin ni Alex ay ang recording din niya para naman sa Viva Records.

Kung gayon-halos magkakapareho pa rin sila ng Ate Toni niya ng mga proyektong gagawin? Akala ng marami, kaya isinalang si Alex sa Babaeng Hampaslupa eh, para ito naman ang maging dramatic actress sa kanila ng Ate niyang gamay na ang comedy eh, gamay pa ang drama, pati na ang pagkanta.

Sa ending-sila pa rin kaya ang paglalabanin?

 

SA BIRTHDAY BASH ni Rufa Mae Quinto sa Seventh High sa The Fort recently, akala namin eh, magkakaroon pa ng ilangan sa pagitan nina Erik Santos, dating boyfriend ng komedyana, at ng modelong si Fabio Ide. Say lang ni Fabio sa tanong sa kanya kung alam ba niyang si Erik ang past ni Rufa Mae eh, “Walang problema.”

Basta ang alam namin, happy si Rufa Mae sa pagse-celebrate ng kanyang kaarawan at kung meron man daw siyang wish, ‘yun eh, para sa kapakanan ng kanyang mga mahal sa buhay, lalo na ang kanyang ina at hindi na para sa sarili niya.

Naroroon din sina Tita Annabelle Rama at Tito Eddie Gutierrez sa party tendered by Dr. Manny Calayan. At nang mamataan ng mga dumalo sa nasabing party ang host na si Raymond Gutierrez, umikot ang bulung-bulungan na diumano’y babalik na ito sa pangangalaga ni Dr. Manny sa pagharap sa kanyang weight problem. Kinukumpirma namin ito kay Dr. Calayan pero, matamis na ngiti lang ang isinasagot sa amin.

 

NAUNANG LUMIPAD PATUNGONG Singapore si Karylle para sa The Kitchen Musical na pagsasamahan nila ni Christian Bautista. Nauna na si Karylle na tapusin ang kanyang mga commitments.

Sa nasabing launch, may natisod kaming item sa pagiging bukambibig ni Christian kay Karylle. At hindi naman nito tahasang naitago na up to now eh, nagki-care pa rin siya sa dalaga. Lalo na nang i-wish siya ng mga may-ari ng ineendorsong produkto na sana this year eh, matagpuan na niya ang babaeng makakasama niya sa habambuhay.

Kinumpirma rin ni Christian ang nauna nang sinabi ni Karylle na they will be locked up in a place in Singapore for the four months duration of their stay there. According to Christian, he, Karylle and the other members of the cast ng nasabing musical will be housed in one apartment.

Alam naman daw ni Christian na mas close na si Karylle sa Spongecola vocalist na si Yael Yuzon. At ang pagki-care naman daw niya sa dalaga eh, dahil na rin sa iisa lang ang management nila (STAGES) and that Karylle has always been a very good friend to him.

Sa apat na buwan kaya nilang pagsasama sa Singapore, may mga bago tayong mabalitaan sa dalawa? Will absence make the heart grow fonder for Karylle and Yael? O, out of sight, out of mind?

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

8 thoughts on “Alex Gonzaga doesn’t want to work with Kean Cipriano anymore?!

  1. grabe nman kayo qng mAkacomment.. pakinggan nyu kumanta c alex mas magaLING sa ate nya.. and tsismis lang yan noh.. alex and kean are ok.. kya walang ganyan.. c kean eh may contract sa viva kya imposible tlga yan..

  2. FEELINGERA NAMAN ITONG ALEX DA HU NA MAMILI NG KATRABAHO…WALA NA NGANG BEAUTY…EH WALA PANG TALENT! BASTA LOVE KO SI KEAN!

  3. grabeh ah! c kean p off limits n mktrbaho… salamat nmn.. dhil ayw dn nmin n mgkroon k ng work with kean.. maxado kang mayabang alex.. akala mo my narating ka na! walang wala k nmn s ata toni mo… basura k lang! dpat plitan ung “babaeng hampaslupa” gawin ” babaeng hinampas sa lupa”.. mas bagy…

  4. bagay nga kay alex yung mga rom-com na tipo ng mga movies…sana maibalik yung mga ganung movies katulad nung 90’s na sina donna cruz, mikey cojuangco, angelu etc ang mga sikat

  5. sana itago na lang yung itinatago, dapat dito ang title ay “babaeng hinambalos” hanggang ma dedbol. ang ganda ng ratings nito puede itapat sa “Gabi ng Lagim” sa radyo

  6. WAla kaming
    TV5, pero nakakahabol rin sa “Ang Babaeng Hampaslupa” ni Alex. Ang galing niya, considering she has no drama experience, puro medyo light roles and comedy lang. Natural siya. Sana, isa sa movies niya, at least, drama naman. Give her a try. Siguradong she will deliver. May itinatago siyang galing sa drama.

Leave a Reply

Your email address will not be published.