Alex Gonzaga, ‘di raw flop ang concert

Alex-Gonzaga“MAMATAY KAYO sa inggit,” sabi ng mga solid fans ni Alex Gonzaga. Sa mga hindi masaya sa nangyaring bonggang attendace ng mga nanood dahil nga punung-puno ng tao ang Araneta Colesium nu’ng Sabado sa concert ni Alex Gonzaga.

“The Unexpected” concert talaga. Puno ng tao at sold out ang makikita mo sa ticket booth. Kaya ‘yung mga tsikang pinamudmod, isang malaking intriga. Sana lang ay maging masaya tayo sa nangyaring maganda kay Alex.

Sana ay tumigil na ang mga mali-maling umiikot na tsika.

Congrats, Alex at sa producers!

 

DUMATING NA ang sinasabing, pag may tiyaga may nilaga. Ruru Madrid, bida na sa isang serye. Buti naman ay nabigyan na rin sa wakas ng malaking project itong si Ruru.

Homegrown talent si Ruru ng GMA 7 kaya naman dapat lang siyang alagaan at bigyan ng tamang project.

Guwapo may height, saan ka pa. Kesa naman ‘yung iba ang bigay nang bigay sila ng raket, pero waley naman. Sana nga ay dire-diretso na.

Akting, ‘di naman pahuhuli si Ruru, siyempre alaga ‘yan ni Direk Maryo J. delos Reyes.

Congrats again, Ruru!

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

5 thoughts on “Alex Gonzaga, ‘di raw flop ang concert

  1. Naku sino niloloko mo. Flop na flop ang concert. Haha kung ako ang head ng ebak pinabalik ko na yan sa tv5. Hahaha. Para kay ruru naman, my gosh super gwapo. Crush na crush ko talaga siya.

  2. Hoy, kriSTD, ano ang nangyari kay Marian ? Matagal ng alam niyang buntis siya pero hindi niya sinabi hanggang malapit ng ilabas ang Tibo teleserye niya. Umatras siya ? Natakot na flop na naman ito ? Mabuti naman at pinalitan ni Rhian. Mas bagay si Rhian na umarteng mayaman. Si Marian, pang payatas lang.

    • korek. mas magaling umarteng sosyal si rhian kesa kay marian at for sure mas fluent pang mag-english si rhian compared to marian hahaha

  3. hak hak fake crowd daw yung na post ni Toni sa kanyang Instagram para masabi lang na napuno hak hak hayy ang daming ebidensya…may aniniwala pa rin bang hindi FLOP ang Concert na yan hak hak well sa takilyera ng lang ang Araneta kayo magtanong hak hak…………………………………………………. tungkol naman diya kay Ruru may ibubuga siya sa aktingan,,,,,,siyempre naman bukod sa GMA ay magaling pang Direktor ang may ahwak sa kanya si Direk Maryo J…ay Congrats nga pala sa kanyang ka loveteam na si GABBI GARCIA may award na agad sa Empress..kabago bago palang may award na sa aktingan,,hak hak di tulad ng iba diyan puro loveteam lang ang panlaban pero sa aktingan waleey hak hak nabubuhay na lang sila sa pa cute cute at jejemon serye hak hak

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.