Alex Gonzaga, binalahura ang PMPC Darling of the Press award ni Luis Manzano!

Alex Gonzaga

NALOKA na naman ang mga nasa loob ng Newport Theater ng Resorts World Manila last night sa ika-33 year ng Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards.

 
Nanalo si Luis Manzano sa kategoryang “Darling of the Press” which is no question naman dahil ma-PR ang anak nina Edu Manzano at Vilma Santos.
 
Pero super off ang pambabalahura nitong agaw-eksena na si Alex Gonzaga na during the commercial gap ay biniro si Luis at tinanong kung “magkano” ang ibinayad niya sa naturang press award.
 
Wala kami sa parangal last night. Nag-PM lang sa messenger namin ang isang kaibigan na andun na nagmi-miron.
 
Turned off sa biro ang kaibigan namin sa ginawa ni Alex kay Luis.
 
Ang sabi naman ng ilang mga kaibigan namin na PMPC member na ang ginawa nitong si Alex sa mga hindi nakakaintindi sa pambabalahura at biruan ng dalawa ay natural at kaswal lang daw ito.
 
Kahit off-camer or during commercial break (na naka-mic si Alex), it’s very off na ang sub-text nun ay may bayaran na nagaganap.
 
Kung para sa PMPC ay “biro” lang at tanggap nila bahala sila. Credibility is still a big factor. ‘Di ba, ER Ejercito and the rest?
 

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.