Alex Gonzaga at Joseph Marco, totohanan na ang lambingan

Alex Gonzaga and Joseph Marco

Alex Gonzaga and Joseph Marco

Mas umawra nang husto ang “special something” na namamagitan kina Alex Gonzaga at Joseph Marco sa biggest acting break nila sa big screen, ang “My Rebound Girl” na mapanonood na nationwide simula sa Wednesday, September 28.

Walang duda ang mga lambingang ipinakita nila sa pelikula. Wagas na wagas at totohanan na ang dating. Kaya naman, umaapaw talaga ang magic at chemistry nina Alex at Joseph na nagsimulang lumutang nang gawin nila ang TV series na “Pure Love”. Kaya naman nang ilabas sa social media ang trailer ng “MRG,” mahigit isang milyong views agad ang hinamig nito!

May “something” kasi between the two na hindi man natuluyan sa teleserye nila noon, ang nasimulan nila ay ipinagpatuloy lang nila sa muling pagsasama nila sa bagong romcom ng Regal Films.

Maging sa mall shows na pinuntahan nina Alex at Joseph, hindi scripted ang lambingan nila onstage. Kilig na kilig at kyut na kyut ang harutan nila, kaya maugong ang tsismis na nagkakamabutihan na silang dalawa.

Nag-swak din ang magkaiba nilang image. Kiti-kiti, kikay, at feeling maharot ang dating ni Alex. Si Joseph naman, tahimik at seryoso ang dating. Magkaibang mundo, and yet, may dating na kilig na hindi pilit, na ako rin mismo personally ay nagtataka kung papaanong nag-click ang dalawa.

Bukod sa mall shows, nasaksihan din nang personal ng fans ang tamis ng tandem nina Alex at Joseph. Nang maging service crew sila sa KKK (Kanya-Kanyang Kape) coffee shop sa Maginhawa Street (na naging sponsor sa media launch ng pelikula nila), lutang na lutang ang maganda nilang samahan. Si Alex ang kumukuha ng order na kape, habang si Joseph naman ang nagsisilbi ng order sa real guests ng coffee shop.

Dahil sa coffee ang peg ng kanilang love story sa “MRG”, para kay Alex, isang kapeng barako ang dating ng leading man niya. Deskripsyon ng dalaga, “Matapang pero kapag nilagyan mo ng maraming brown sugar, lumalabas ang ka-sweet-an!”

Para sa binata, inihambing niya sa concoction na capuchino si Alex, dahil matamis na ay marami pa itong krema na nagpasasarap lalo sa kape.

Basta ako, ‘yong kape ng favorite kong tambayan ang “the best” pa rin sa akin.

Hindi naman natuloy ang napipintong pagkakaroon ng relasyon nina Alex at Joseph nu’ng magtambal sa kanilang teleserye noon, sa “MRG”, walang dudang dumating na ang tamang panahon upang sila ay magkaroon na ng relasyon, huh!

Sa SephLex fans, see you tomorrow, September 27, sa SM Megamall Cinema 7 para sa premiere night ng pelikula ng dalawa.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.