Alex Gonzaga at Joseph Marco, parang kape raw ang relasyon

Alex Gonzaga And Joseph Marco

Alex Gonzaga And Joseph Marco

Kung hindi man nagkatuluyan sina Alex Gonzaga at Joseph Marco sa naudlot nilang romansa sa teleseryeng “Pure Love” noon sa Kapamilya Network, who knows na baka this time, sa pelikulang rom-com ng Regal Films na “My Rebound Girl”, muling magkaroon ng spark ang nasimulan nilang “friendship” sa pagsasama nila sa halos sunud-sunod na schedule via the latest film na “sikik sa kilig at romansa”.

Sa pagsisimula ng promo ng pelikula, parang inihahalintulad sa kape (yes, as in sa coffee) ang relasyon ng dalawa na hindi ko pa ma-getz as the showing of their movie on September 28 ay papalapit nang papalapit. I’m sure, mapupulsuhan ko rin kung anong mensahe ang gustong itawid ng promo spin ng pelikula nina Alex at Joseph.

Pero is it true na after ng post production work ng dalawa, kapag nagkakasabay sila ay inaaya ni Joseph ang dalaga mag-late dinner?

Sa ngayon, nasa abroad pa si Alex na on vacation at next week pa ang balik.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

One thought on “Alex Gonzaga at Joseph Marco, parang kape raw ang relasyon

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.