Alessandra de Rossi works hard to pay bills

AMINADO SI ALESSANDRA de Rossi na kinakapos siya ng datung sa mga sandaling ito.

“Ang dami-dami mo kasing dapat bayaran… ang house, Meralco, tubig, pagkain at kung anu-ano pa. Kaya kailangang dobleng kayod talaga,” pahayag ni Alex na nagsabi pang kailangan niya ang dagdag na kita dahil buwan-buwan ay nagpapadala siya ng pera sa kanyang mga magulang na nasa Italy. “Every month, naloloka ng beauty ko, kaya gusto ko na lang ‘yung ma-ging exclusive contract na lang ako para alam kong may mahuhugot akong pera.”

Freelancer kasi ang drama ng career ni Alex na sa tingin ng aktres, kahit magsipag siya, kung walang offer na darating ay useless ang kanyang pagpupunyagi. “Dapat talaga may fix income ka para hindi ka nahihirapan sa buhay.”

Sa kabilang banda, tuluyang tinalikuran na muna ni Alessandra ang pag-ibig. Ayon sa aktres, walang masama sa lovelife, pero mas masama kung may lovelife ka nga, kulang ka naman sa datung. “S’yempre mas pipiliin ko na kahit hindi masyadong masaya ang lovelife ko ,basta masaya lang ang financial ko, keri iyon,” sabi pa ng aktres.

 

NAGPALIWANAG SI MANNY Pacquiao na wala raw katotohanang masama ang loob at nagalit siya sa ginawang “pambabatok” sa kanya ni Marian Rivera.

Ayon sa Pambansang Kamao, ang batukan ay simpleng biruan lang nila ni Marian na kailanman ay hindi nila sineryoso. “Wala iyon, ganu’n lang talaga si Marian. Mabait si Marian, huwag na natin siyang intrigahin pa,” paliwanag ni Manny.

Mula sa kampo ni Manny, aming napag-alamang nakapag-usap na sina Manny at Marian. “Pinagtawanan lang nila ang issue dahil magkaibigan sila. Kumbaga, kilala na nila ang isa’t isa. Lumaki lang siguro at naging issue dahil may nakakitang ibang tao at nilagyan na ng malisya.”

Hindi nga raw nagalit si Manny. “Actually hindi naman iyon batok talaga, parang tabig lang ang nangyari. Kasi kung batok iyon, sa ulo sana, kaso sa parteng balikat lang tumama ang kamay ni Marian.”

 

SA PRESSCON NG sama-samang raket ni Vice Ganda – Vice Ganda Lakas Tama (album), Showtime, Gandang Gabi Vice, at Vice Ganda, Todo Sample sa Araneta sa July 1 – mariing sinabi ng TV host/singer/actor na between Piolo Pascual and Derek Ramsay, mas ilusyon daw niya si Papa P kesa sa Papa ni Angelica Panganiban.

“Nakasama ko na kasi si Derek sa isang project, at si Piolo, first time lang na nakasama ko nu’ng mag-guest siya sa Gandang Gabi Vice at talagang kinilig ako!” Tuluy-tuloy na panimula ni Vice nang kausapin siya ng Pinoy Parazzi.

Ayon pa rin kay Vice, kung sakaling sina Piolo at Derek ang dalawang lalaki na makakasama niya sa isang isla, uunahin niyang “tikman” si Piolo.

“Pero babalikan ko rin agad si Derek. Kasi, sasayangin ko ba naman ‘yung ganung klaseng lalaki?” At binirahan uli ng tawa ng aming kausap.

Samantala, inamin ni Vice na mula nang makilala siya at magkaroon ng datung, parang nahirapan na siyang makakuha ng lalaking maikakama. “

“Kasi nandu’n na yung fear ko na baka gamitin nito ako. Na baka ma-eskandalo ako, ‘yung mga ganu’n ba? Hindi tulad nu’ng picho-picho pa ako na parang sige lang ako nang sige, ang dali-dali kong makakuha ng ganu’n. Oo, totoo natatakot ako ngayon na basta na lang makikipagrelasyon, dahil unang-una may boyfriend ako at kuntento naman ako sa kanya.”

“Straight ba ‘yung boyfriend mo?” Tanong namin. “Ay, ewan! Baka… oo! Kasi gusto ko, straight siya. Ako ‘yung babae. At iyon ang pinapaniwala ko sa sarili ko na ako ay babae. Masarap naman ‘yung ganu’n ‘di ba? ‘Yun bang kahit alam mo naman kung ano ‘yung totoo sa iyo, ginagawa ka pa ring tunay na girl. At ‘yun ang gusto ko ngayon sa boyfriend ko.”

 

More Luck
by Morly Alinio

Related Post

loading...

One thought on “Alessandra de Rossi works hard to pay bills

Leave a Reply

Your email address will not be published.