Alessandra de Rossi, sa sobrang selan ayaw makipaglaplapan!

MAY pagka-mature ang role ni Alessandra de Rossi sa bagong indie film na dinirek ni Adolf Alix, ang Romeo at Juliet. Mahusay niya itong nai-project kahit wala siyang hubarang mga eksena, o tipong nagbababad sa laplapan, kahit ang role niya rito ay isang bayarang prostitute.

Eversince, mayroon palang limitations na nai-set si Alex para sa sarili. Never siyang nagpahalik sa lips kung sa palagay niya ay hindi naman kailangan, o kung puwedeng lumusot, bakit hindi?

Aniya, “I’m not an actress, I’m a person… okey nang hindi ako matawag na aktres kung may sarili akong conviction na nilalabag ko naman. Makikipaglaplapan ka sa leading man mo, for example, at iuuwi mo pa ‘yung laway niya sa bahay ninyo. Kasi, balang-araw, ‘pag napanood ‘yan ng mga anak ko, magtatanong talaga sila kung bakit nakipaglaplapan ako sa ibang lalaki.”

Nilinaw ni Alex na hindi siya nagmamalinis. For one thing, ang kapatid niyang si Assunta de Rossi ay ‘yun ang naging paraan para bumongga ang career noon. She has nothing against other people na gumagawa ng ganoon, at nirerespeto niya ang paniniwala ng mga ito.

Sabi ni Alex, “Sa sarili ko lang talaga, ayoko. Uso pa naman ngayon ang kung anu-anong virus, ‘teh? At saka alam ng mga tao na bukas ang lahat ng aspeto sa buhay ko, wala nang itatago pa. Pati ba naman kasuluk-sulukan ng katawan ko, ihahantad ko pa? Gusto ko namang may matira pa para sa akin!”

NAGULAT NAMAN KAMI kay Assunta de Rossi dahil nagpaiksi pala ito ng buhok. Nakita namin siya sa Megamall kaugnay ng preview para sa Romeo at Juliet. Sabi niya, “Gusto ko talagang magpahaba ng hair, pero grabe, init na init na talaga ako kaya pinaiksian ko na lang!”

Noong Pebrero pa pala niya pinaiksian ang kanyang buhok na bumagay naman sa shape ng face niya. Mas lalong naging model ang projection ni Assunta. Kahit daw sobrang init, stay pa rin siya sa Negros with her husband, si Jules Ledesma. Walang choice si Assunta dahil campaign period, and she has to support her husband sa trail nito.

Anyway, most of the time nga ay nasa Negros na si Assunta at kung nakababalik siya sa Maynila, she sees to it that she spends time with her mom and sister. Grabe raw ang bonding nilang mag-iina na pati sa Twitter, they follow each other, nag-aasaran sila roon, much to the delight of their other followers.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

One thought on “Alessandra de Rossi, sa sobrang selan ayaw makipaglaplapan!

Leave a Reply

Your email address will not be published.