Alessandra de Rossi, naispatang may ka-date!

LIKE AN EARSPLITTING and thunderous explosion coming from a specially made fire cracker just before the coming New Year of 2011. ‘Yan ang pinaghahandaan ng isang sikat at kontrobersiyal na showbiz personality who is being accused of an image-wrecking allegation concerning about millions of pesos.

Isang araw lang naman tumagal at pinag-usapan ang mala-Bakekang na akusasyon laban sa nirerespetong personalidad na ito, pero hindi niya mapalalagpas ang ginawa sa kanya. Kaya after all the preparations, e, isasampal niya sa mukha ng mga nag-akusa sa kanya ang kanilang maling balita na ipinakalat.

As of now, kahit alam na namin ang detalye, e, we are not in the liberty to give away his full statement, aside from the fact na hindi totoong nagkaroon ng evasion. Dahil naipangako namin na hindi namin ito isusulat without his permission, at mas maganda na rin kung sa kanya mismo manggaling ang kanyang ipahahayag para maramdaman ng mga nagsalita noon laban sa kanya na na-Pepeng Kuryente sila sa kanilang balita.

Sa totoo lang, pinanday na ng panahon ang personalidad na ito, kaya hindi na ito basta maima-massacre ng kahit na sinong Totoy Bato… getz?

BINANGGIT NI ALESSANDRA de Rossi nang nag-judge siya sa Talentadong Pinoy na she is officially single and readily available pero ang masasabi namin dito, e, isang malakas at mahabang… WEEEEEEHH!!!

Paano ba naman, parang hindi namin siya nakita at nakasabay sa Starbucks, Katipunan one Saturday night na may kasamang boylet.

Hindi lang namin masyadong maaninag ang face nu’ng boylet na parang rakista ang dating pero one thing is for sure, after grabbing their coffee mugs from the counter, e, they went directly outside the coffee shop, in the corner, at du’n nag-usap ng seryoso at medyo sweet.

If we will give Alex the benefit of the doubt, puwede nga namang friendly tsikahan and sweet-sweetan lang ang nangyari with the rakista-looking boylet, pero puwede rin namang hindi, ‘di ba?

Pero kung positive na mag-on sila ng kanyang ka-date sa Starbucks that night, e, weeehh nga talaga si Alex sa Talentadong Pinoy.

ANGER IS ONE letter short bago maging danger. And in the case of Baron Geisler, pagkatapos niyang mailabas ang kanyang anger sa mga taong nagsasabing hanggang ngayon, e, alcoholic pa rin siya, mukhang nasa danger naman ang isang dalagita ng mayamang couple na nagsabing crush na crush ang controversial actor na may series of harassment cases sa mga babae.

Nakarating na kasi sa kaalaman ni Baron na crush siya ng girlet, at ayon na rin sa isang very close sa aktor, e, naghahanap na raw ito ng bridge para maipapakilala siya sa mayamang girlet, na hindi pa masyadong sanay sa takbo ng showbiz.

We don’t want to judge the actor sa kung anumang puwede niyang gawin sa girlet. Pero, base on the recent issues concerning Baron, e, baka matulad ang girlet sa ibang babae na diumano’y na-harass ng aktor, knock on wood, na ‘wag naman sana. Dahil kapag nangyari ito, e, siguradong maghahalo ang balat sa tinalupan porke ang erpats ng girlet, e, tahimik lang, pero siga in the real sense of the word… hala ka!!!


Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

One thought on “Alessandra de Rossi, naispatang may ka-date!

  1. Ang “national artist” ba nina Gloring at Manoling ang
    tinutukoy mo? Bakit hindi na nya ngayon ilabas ang mga
    ebidensya nya para patunayang walang katotohanan ang akusasyon sa kanyang tax evasion?

Leave a Reply

Your email address will not be published.