Aldub craze, may magandang mensahe sa kabataan

Alden-Richards-Yaya-DubNAGING POSITIBO ang dating na ng Aldub craze na ito dahil sa magandang aral na ibinabahagi ni Lola Nidora.

Nu’ng nakaraang Miyerkules ay muntikan nang magkita sina Alden at Yaya Dub, pero hindi na naman natuloy dahil kinapos sa oras, hindi na naabutan ni Alden si Yaya Dub pagkatapos niyang punuin ng tubig ang maliit na swimming pool nila roon sa studio.

Napuno naman ni Alden, pero kinulang siya sa oras kaya hindi niya naabutan si Yaya Dub, naghabulan lang sila.

Ang mensahe nga ni Lola Nidora kay Alden, “Lahat ng bagay dapat pinaghihirapan, lahat ng bagay dapat pinagsusumikapan, at lahat ng bagay may tamang panahon.”

Sabi pa ni Lola Nidora, hindi porke’t nagkaka-text kayo, kayo na! Para talaga ito sa mga kabataan na ibang-iba na ang ligawan ngayon. At least, nagbigay ng magandang mensahe ito sa mga kabataan, at sa lahat na talagang tumututok sa Kalyeserye na ito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

4 thoughts on “Aldub craze, may magandang mensahe sa kabataan

  1. It is more than magic or accidental love team as many fans claimed. para sa akin yung clean image and transparency nila pareho sa publiko ang higit na nagdadala sa kanilang pagsikat. You cannot turn the righteous man down. para silang fresh oxygen sa polluted society. Nakakahinga nang maluwag yung mga tao pagpinapanood sila. Public knows Alden as a almost perfect matinee idol, while Maine is one of a kind woman na hinde takot pumangit sa at maging kenkoy sa harap ng camera. They compliment each personality. Yung pagtagal ng career nila is something to be tested pa so let see what more they can offer to public.

  2. HINDI KO TALAGA MAINTINDIHAN KUNG BAKIT NAKAKAADIK TALAGA ANG LOVETEAM NA ITO NGAYON LANG TALAGA AKO NAKAFEEL NG GANITONG KLASENG KILIG NAKAKAALIW TALAGA SILANG DALAWA SUPER

Leave a Reply

Your email address will not be published.