Alden Richards, walang balak sirain ang relasyon nina Louise delos Reyes at Enzo Pineda

KAHIT NAPAPABALITANG si Enzo Pineda ang real life boyfriend ni Louise delos Reyes, hindi ito nakaapekto sa loveteam nila ni Alden Richards. Matindi pa rin ang kilig na hatid ng pagsasama nila sa bagong primetime series ng GMA-7 na One True Love.

“Opo. Iyon nga po ang magandang nangyayari sa loveteam namin,” ani Alden nang makusap namin sa Party Pilipinas last Sunday. “Na walang pressure. Hindi kami pini-pressure ng network na kaila-ngan meron kayong something off-cam.

“And ang mga fans, very supportive kung ano ang meron kami ni Louise onscreen. So very happy po ako ro’n kasi mas napapaganda pa namin ang trabaho.”

Pero kadalasan ding nangyayari sa magka-loveteam, totohanang nagkakagustuhan na rin kalaunan. Nangiti si Alden nang matanong kung ano ang posibilidad na ma-develop sila sa isa’t isa?

“Talagang kami po ni Louise, very good friends kami eversince nag-start po kami sa showbiz. And inirerespeto po namin kung anong meron kami sa personal po naming buhay.

“It’s just do’n sa One True Love, talagang very professional po kami. Hindi namin hinayaan na ‘yong mga personal issues namin ay makarating sa set. Kasi, very unprofessional po kapag nangyari iyon.

“And I’m sure kung sino man po ‘yong mga taong involve outside our relationship onscreen, naiintindihan po nila kung ano ang ginagawa namin for the sake of One True Love.”

Kapag tuluyang namayagpag na ang tambalan nila ni Louise, paano na kaya ang rumored boyfriend nitong si Enzo?

“Hala!” natawa si Alden. “I’m sure… kasi naman po si Louise, nakita ko since before na sila ni Enzo, they treat each other very special. Talagang meron silang special friendship. And Inirerespeto ko iyon.

“I respect that to the highest level. And hindi ko po talaga… wala po akong intensiyon na sirain kung ano ‘yong meron sila.”

‘Yun na!

 

AS OF this writing, wala pa ring pinauunlakang interview si Ruffa Gutierrez hinggil sa balitang pag-alis niya sa Paparazzi Showbiz Exposed matapos ang umano’y pambabastos sa kanya sa segment na Bulong Ng Palad na nagsilbing segment para sa kanyang birthday celebration.

Actually, nasa Paparazzi kami last Saturday. We’re supposed to interview Ruffa after the show. Masaya nga ito at nakangiti habang nakikipag-pictorial sa kanyang mga fans. Sabi niya sa amin bago pumasok ng dressing room, sandali lang daw at lalabas siya para makipag-tsikahan.

Laking gulat namin na matapos ang ilang minuto, parang galit ito nang lumabas. Sabay sabi sa amin na saka na lang daw kami mag-usap. At dire-diretso na siyang umalis.

Ikinagulat din daw ng mga co-host niyang sina Zoren Legaspi, Cristy Fermin, Mariel Rodriguez at Mr. Fu na biglang may gano’n.

Hanggang sa matapos daw kasi ang programa at makaalis sila, si Ruffa ay masaya pa rin daw at sila ay iniimbita sa kanyang birthday celebration sa June 30. Wala raw silang napansin. Kaya laking gulat daw nila na may gano’ng issue pala.

Nakalulungkot daw na may mga nabitawang salita si Ruffa laban sa programang isa siya sa hosts, gaya ng “trashy reporting” at kung ano pa.

There’s always a professional way daw to address the issue. Sana bago raw nag-tweet si Ruffa ng kanyang saloobin, kinausap muna niya ang staff ng show o ang mga executive ng TV5.

Pero hintayin pa rin natin ang panig ni Ruffa hinggil dito.

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.