Alden Richards, type maging GF si Julie Anne San Jose

MAY BAGONG soap na muling pagtatambalan sina Alden Richards at Louise delos Reyes sa GMA 7. Ito’y Ang Mundo Mo’y Akin na magsisimulang umere pagpasok ng buwan ng Marso.

“Iba po to kumpara sa One True Love,” sabi ni Alden nang makapanayam naming recently. “Medyo mature na po nang konti ang roles namin ni Louise. Hindi na po pa-sweet kundi mas mature na when it comes to love.

“At saka po ‘yong role ko rito, hindi na po mahirap kapares ng ginampanan kong character sa One True Love. Ako naman po ang mayaman dito. Si Louise naman ang medyo mahirap.

“And then, hindi ko pa nga po alam kung sino pa ‘yong isang babae na magiging ka-triangle namin. Hinihintay pa po namin kung sino ang ilalagay sa spot na ‘yon.”

Balik-tambalan sila ni Louise. Iiwas na ba siya ngayon na patuloy pa ring ma-link kay Julie Anne San Jose?

“Hindi naman po sa iiwas. Magkaibigan lang naman po talaga kami ni Julie Anne in the first place. Pero nali-link nga po kami sa isa’t isa. ‘Yon nga lang!” sabay ngiti ulit niya.

“Ah… siyempe hindi naman po maiiwasan ‘yan. And… hindi naman po sa iwas. Pero, kasi wala naman po akong dapat iwasan in the first place, eh. ‘Yong sa amin ni Julie Anne.”

Pero posibleng makaapekto sa followers ng tandem nila ni Louise ang pagkakaugnay niya kay Julie Anne?

“Wala naman po silang dapat na ikabahala. Kasi trabaho po talaga ang focus naming dalawa ni Louise. And, uhm… actually dapat, chill lang po tayong lahat.”

So, tuloy lang ang pakikipagkaibigan niya kay Julie Anne? At hahayaan  lang niya kung saan ba talaga hahantong ang pagiging close nila?

“Come what may po. Yes. In God’s will po. Nangyayari naman po lahat according to His will.”

Hindi na rin daw papansinin ni Alden kung may mga nagagalit man sa kanya na mga supporter nina Julie Anne at Elmo Magalona?

“Naiintindihan ko na po. Nasanay na rin po ako. Na… of course may nagagalit, may napipikon, may naiinis. Hindi naman po talaga maiiwasan. Since sa showbiz, talagang maraming taong involve. Na inside and outside, talagang involve, eh. So, hindi ko na po kontrolado kung ano ‘yong nasa labas.”

Type niya si Julie Anne? Ideal girlfriend ba ito sa paningin niya?

“Who would not like Julie Anne, ‘di po ba? Hindi naman po mahirap na gustuhin siya. Okey lang po.”

So, kapag dumating ang time na sa palagay niya ay pupuwede na siyang magka-girlfriend, si Julie Anne na?

“Baka po puwede. Hindi ko po isasara ‘yong doors ko.

“And eversince naman po kapag natatanong ako, I never say never, eh. Open naman po ako sa anumang puwedeng mangyari.”

Double platinum ang album ni Julie Anne. At si Alden, pamilyar daw sa mga songs nito. Sa mga awitin ni Julie Anne, alin sa mga ito ang kapag narinig niya ay talagang tumatagos hanggang sa puso niya?

“‘Yong Enough. Kasi ang galing niya ro’n, eh. Talagang ‘yong performance ni Julie Anne sa song, the way she delivers, ang galing, eh. Nagandahan po ako roon no’ng pinakikinggan ko siya.”

Ganyan?

 Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

15 thoughts on “Alden Richards, type maging GF si Julie Anne San Jose

  1. Well, for me, He is just *USING Julie to be ‘sikat’ like her, he just suddenly ‘appeared’ and said that he likes her, and the feelings is mutual, ‘daw’, for 2 years of JuliElmo Love Team, Elmo didn’t even said that their feelings is mutual, and here’s Alden, he said on Startalk, that the feelings is mutual.  God bless you, Alden for using Julie. 

    -Yza

  2. Well, for me, He is just Julie to be ‘sikat’ like her, he just suddenly ‘appeared’ and said that he likes her, and the feelings is mutual, ‘daw’, for 2 years of JuliElmo Love Team, Elmo didn’t even said that their feelings is mutual, and here’s Alden, he said on Startalk, that the feelings is mutual.  God bless you, Alden for using Julie. 

    -Yza

Leave a Reply

Your email address will not be published.