Alden Richards, tinatawanan lang ang ‘bading’ issue!

NATATAWA NA lang daw ang male lead actor sa new serye ng GMA-7 na Mundo Mo’y Akin na si Alden Richards  sa kumakalat na tsismis na bading siya. Tsika nga ni Alden na kung sino man daw ang taong nagkakalat ng ganu’ng issue ay siguradong galit at haters niya, dahil lalaking-lalaki siya.

“Hahahaha! Nakakatawa naman sila Tito John, ako raw bading? Kilala ko ang sarili ko, lalaking-lalaki ako. At kung sino man ‘yung nagkakalat ng balitang bading ako, siguradong galit ‘yun sa akin.

“Magbigay na lang siya ng pruweba sa mga sinasabi niya para naman medyo makatotohanan. Hahahaha!”

Hindi nga raw alam ni Alden kung saan nanggaling ang nasabing issue at kung sino ang nagpapakalat nito. Deadma na lang daw siya, if may mga ganu’ng tsismis, dahil kilala niya naman daw ang kanyang sarili at kilala rin siya ng kanyang mga mahal sa buhay at mga kaibigan na hindi totoo ‘yung sinasabing issue sa kanya.

Masaya na raw ngayon si Alden dahil sunud-sunod ang kanyang proyekto. At kahit nga 6 months siyang nabakante at walang soap, hindi raw siya napagod na maghintay. Kaya naman daw ngayong may bago na naman si-lang pinagbibidahang soap, very thankful siya sa GMA sa bagong blessings na dumating sa kanyang buhay.

Very thankful din si Alden sa lahat ng nanood ng kanyang life story sa Magpakailanman recently, kung saan marami siyang napaluhang manonood dahil na rin sa ganda ng istor-ya ng kanyang buhay.

 

MARAMING NAGSASABING bagay na bagay raw ang future matinee idol ng GMA-7 na si Kristoffer Martin at Kim Rodriguez na magkasama sa GMA soap na Serpentina, Ang Kambal ni Elliana, na mapapanood sa panghapong palabas ng GMA soon.

Parehong galing sa pinakasikat na defunct GMA teenshow ang dalawa, ang Tween Hearts, at kahit nga hindi magkapareha ang mga ito sa nasabing teenshow, kung saan si Joyce Ching ang kapareha ni Kristoffer, at si Hiro Magalona naman ang ka-loveteam dito ni Kim Rodriguez, nakita ng GMA na puwede silang magtambal.

Tsika nga ni Kristoffer na ayaw raw nitong magsalita nang tapos kung sobrang mapapalapit ba siya kay Kim sa kanilang pagsasama sa soap at mauuwi sa ligawan, dahil maganda naman daw si Kim at mabait.

Pero pareho naman daw ang priority nilang dalawa ngayon, ang mag-work nang mag-work, dahil sayang naman daw ang pagtitiwala ng GMA-7 sa kanila na bigyan ng ganito kalaking soap kong mas uunahin lang nila ang puso.

 

NASA BANSA ang Asia’s Singing Sensation na si Clifford Allen Estrala, para mag-promote ng kanyang debut album titled Only In My Dream.

Sa mga hindi nakaaalam, makulay ang life story ni Clifford bilang isang OFW singer kaya nga na-feature ito sa Maalaala Mo Kaya noong 2010 na ginampanan ni Erik Santos. Naka-base sa Macau si Clifford since 2007. Nagpunta siya sa nasabing bansa as a tourist dahil sa imbitasyon ng isang kaibigang member ng isang banda na nagtatrabaho roon.

Isang beses ay ininterbyu raw siya nina Kara David para sa OFW Diaries ng GMA-7 at dito raw siya nagsimulang makilala sa Pilipinas at sa ibang bansa man. Mas lalo siyang nakilala nang ma-feature ang life story niya sa MMK. At doon na nagsimula ang kanyang singing career. Ngayon ay natupad na ang dream niya na magkaroon ng sariling album na mapakikinggan ng ating mga kababayan.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Alden Richards, tinatawanan lang ang ‘bading’ issue!

  1. DYUSKO NAGPALIT PA NG APELYIDO SI KIM SOMETHING HAHAHA! NAMAN, KAHIT MAGPALIT PA NG PANGALAN YAN DA WHO PA RIN YAN TAPOS NANALO PA NG AWARD SA PMPC? MY GOODNESS NAMAN HAHAHA! MAS MAGALING NAMAN DI HAMAK SI TIPPY DOS SANTOS KESA SA KANYA. NAPANOOD KO BOTH YUNG MUMUNTING LIHIM SA CCP AT YUNG I DO BIDOO BIDOO SA SINEHAN AT ANG LAKING GALING NAMAN NI TIPPY KESA KAY KIM WAHTEVER NA YAN HAHA! PWEDE BA ANONG ROLE NIYA SA TELESERYE NG GMA? AHAS? NAKU DAPAT TAONG BULATE NA LANG PARA NAMAN MAIBA HAHAHAHAHAHA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.