Alden Richards: the hardworking teen star

ALDEN RICHARDS. Naging isang malaking hamon sa kanya ang isang sexy pictorial na topless sa Summer Collection ng Folded & Hung at inilunsad siya ng GMA Network sa katatapos lamang ng fantasy soap na Alakdana kasama si Louise delos Reyes. Bago siya naging ganap na aktor, nasungkit niya ang title na Ginoong Sta. Rosa 2009 at Ginoong Laguna 2010. Sumali rin siya sa Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010 at Starstruck 2009 bagama’t hindi pinalad na maging isang finals. Isang breakthrough naman ang kanyang pagpasok sa showbiz.

Maituturing namang isang mabait na kapatid si Alden dahil sa kanyang pagpapaaral sa kanyang bunsong kapatid. At sa kanyang pangarap na maging isang aktor at sa pamamagitan ng teenage series na Tween Hearts at sa Party Pilipinas. Napanood siya sa Panday 2 bilang si Gobi. Sa ngayon, kasama siya sa primetime series na My Beloved. Ayon sa kanya, pangarap ito ng kanyang ina bago ito yumao sa sakit na chronic pneumonia. Dagdag pa niya ay andiyan ang kanyang very supportive na ama, ngayong nasa showbiz na siya.

Paano ka nakapasok sa showbiz, anong pinagsimulan mo? “Starstruck V po. Kasabayan ko sina Sarah Lahbati at Steven Silva.”

I think, I heard na tumaya raw sa ‘yo ang GMA. Totoo ba ‘yun? “‘Yun po ang bali-balita. ‘Yun po ang sabi nila. Wala namang sinasabi directly ang GMA na nagsasabi nang ganu’n na ‘ah ano, sumugal kami sa ‘yo’. Wala pong pressure kasi. ‘Yung plano sa akin ng GMA kasi maganda po. Nagsabi po sila na hindi nila ako pababayaan.”

Ah, very good! Tingin ko, mabait naman si Alden eh, okey lang. Dagdag ng ating bida ay dapat manatiling low profile at kung maaari ay gusto niya ang luminya sa drama na may kaunting horror at comedy.

Pero nga-yong artista ka, financially doon ka muna nakatingin, natural ‘yan. Nagbago ba ang buhay mo? “Sobra pong nagbago!”

O, ngayon kapag nakita ka sa mall at nagsisigawan, ano ang pakiramdam mo?  “Overwhelmed po.”

Ayon pa sa kanya, dati lang siyang tagasigaw sa mga artista ay ‘di niya akalaing kabilang na siya rito. “Parang it strives you to do good or parang galingan mo pa as an actor, as a person.”

As an actor behind the camera, sino ka? “Si Alden Richards po talaga behind the camera, ako po talaga ang priority ko eh, ‘yung pamilya ko. Mahal ko po bawat isa sa pamilya ko. Ang nais ko po, mapabuti po sila. Gusto ko po talagang mabigyan sila ng mabuting buhay at ako po talaga, hardworking. Makulit po ako ‘pag kasama ko po ‘yung mga kaibigan ko sa Tween Hearts.

Bukod kay Rhian Ramos, sino pa ba ‘yung mga crush mo? “Kung nababalitaan ninyo ‘yung si Sam Pinto, nag-date po kami. Nag-dinner date po kami. ‘Yun po, isa na rin siya sa naging crush ko sa showbiz.”

Nu’ng nag-date kayo, ano ang ibinigay mo sa kanya? “’Yun po, ‘yung dinner.” Walang something chocolate? “Wala na. Wala na po kasing time. Hindi kami prepared kasi galing kami sa presscon ng isang pelikula namin noon.”

Ayon sa kanya pangarap niya kapag naka-ipon ay magkaroon ng  apartment at franchise ng isang fastfood. Ayon sa kanya, sa ngayon ay may na-invest na rin siya kahit second-hand na kotse bukod sa pagpapaaral niya ng kapatid. Masaya sila ngayon ng pamilya, lalo’t may mga okasyon, dahil mas magaan ang buhay unlike noon. Galing, galing!

Ah, 10 years from now, sino ka na? “Ah, sa ngayon kung ano ‘yung inumpisahan kong maganda eh, manatili po. Gusto ko pong maging mabuting tao at maging mahusay na aktor.”

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

 

For comments, email: orobiakpp@yahoo.com, maestrorobiaparazzi@yahoo.com, cp. 0930145762

 

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.