Alden Richards, sinagot na ni Maine Mendoza

Maine Mendoza and Alden Richard

Maine Mendoza and Alden Richard

Eksaktong isang buwan nang may relasyon sina Alden Richards at Maine Mendoza. Ito ay kung pagbabasehan ang ‘scripted’ na guesting ng dalawa sa “Sunday Pinasaya” ng GMA Network sa segment na ‘Dos Lolos’ kahapon, April 3.

“Sinagot na po niya ako. Sinagot na niya ako, ‘Lo!” sabi ni Alden Richards sa kanyang Lolo Erning (Jose Manalo) nang puntahan niya ito pa sabihin ang magandang balita.

Dumagundong ang hiyawan ng fans sa studio at ng mga nanonood sa kanilang telebisyon nang marinig ang sinabing ito ni Alden.

Muli na namang umalingawngaw ang malakas na hiayawan ng fans nang dumating si Maine at ipakilala ni Alden sa kanyang lolo bilang, “Girlfriend ko po.”

Nang dumating naman si Lolo Berto (Buboy Garovillo), tinananong ang dalawa kung gaano na sila katagal. Si Maine an g sumagot: “Mga one month na rin po.”

Isang buwan na ang nakalilipas nang ipagdiwang ni Maine Mendoza ang kanyang ika-21 kaarawan, kung saan nagtungo pa sila ni Alden sa Boracay para sa birthday treat ng binata sa dalaga.

Hindi tuloy maiwasang isipin ng fans kung sa Boracay ba sinagot ni Maine si Alden, kahit pa sabihing ‘scripted’ ang mga linyang binitawan ng dalawa sa nasabing Sunday variety show.

Umani naman ng napakaraming mensahe sa social media ang nasabing eksena mula sa AlDub fans grabe ang pagkakilig at pagkatuwa.

By Parazzi Boy

loading...

6 thoughts on “Alden Richards, sinagot na ni Maine Mendoza

  1. patawa kayo writer never mangyari yan sa totoong buhay my blind item nga ngaun na di pala nagpan sinan itong dalawa kapag walang camera laban ka.. kaya mga aldub fans pwede ba tigil na more ang ilusyon di type ni alden si maine mean

      • TOMPAK… Hihihihi….kaya Hindi pwede si kathniel sa isat isa….hihihi same as Kim xi….hihihi

    • Keyo mge jejetwrds.. Meheleg Meg elesyen…dhi tyPE nih deniel pwdeilla siii..kethryn bernerdeee…aka..pebebeng jejeje

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.