Alden Richards, natakot kay Marian Rivera

Alden-Richards-Marian-RiveraMATAGAL NANG pangarap ni Alden Richard makasama si Marian Rivera dahil una ay crush niya ang girlfriend ni Dingdong Dantes at magaling na actress. Kaya nang mabalitaan na siya ang napili ni Marian na maging leading man sa bagong teleserye na Carmela ay natakot siya, pero masayang-masaya.

Para hindi mapahiya oras na magsimula na sila magtaping ng serye sa GMA 7 ay nag-workshop si Alden nang tamang pag-arte.

Lalong na-excite si Alden nang malaman na may kissing scene sila ni Marian sa Carmela. Kaba raw ang unang nadama niya dahil baka manginig siya at makalimutan ang kanyang script.

Pero magmula nang magsimula na raw silang mag-taping, nawala lahat ang pangamba ni Alden dahil napatunayan niya na isang kalog pala si Marian Rivera, kabaligtaran sa mga nababasa niya na maldita at suplada ang actress.

Sa mga papuring ipinupukol ni Alden kay Marian, kulang na lang ay sambahin niya ang actress.

Hindi pa raw nakakausap ni Alden ang boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes kaugnay sa tambalan nila ng actress. Pero kung sakali raw magkaroon ng pagkakatoan ay kakausapin niya ang actor bilang respeto.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.