Alden Richards, nananatiling humble kahit sikat na sikat na dahil sa success ng AlDub

Alden-Richards

MAITUTURING NA Man of the hour si Alden Richards sa sobra-sobrang kasikatan ng Eat… Bulaga! kalyeserye na pinagbibidahan nila ni Maine Mendoza aka Yaya Dub at nina Wally Bayola, Paolo Ballesteros, at Jose Manalo.
Hindi nga lang sa bansa ang phenomenal success ng kalyeserye na ito ng GMA, dahil hangang sa Asia, Europa, at Amerika ay nakatutok ang mga Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho roon, at talaga namang solid na solid na AlDub fanatics.
At kahit nga sikat na sikat na ngayon si Alden, wala pa rin itong pagbabago at nanatiling mabait at very humble. Kitang-kita at ramdam na ramdam namin ito nang bumisita kami sa Eat… Bulaga! Para suportahan ang alaga kong si Kristoffer Martin na lumaban sa Bulaga Pa More at nang makita kami ni Alden ay tumayo ito at yumakap nang mahigpit sabay tanong ng, “Kumusta ka na, Tito John?”
At kahit ilang beses naming sinasabi sa kanya na sikat na sikat na siya, paulit-ulit nitong sinasagot ng, “Hindi naman po Tito John, nagpapasaya lang po ng manonood.”
Kaya naman marahil inuulan ng dami ng blessings si Alden dahil na rin sa kabaitan at pagiging humble nito.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleRia Atayde, nag-back-out sa PBB dahil sa housemate na breadwinner ng pamilya
Next articleColeen Garcia, pa-cute lang daw ang pagiging seloso si Billy Crawford

No posts to display