Alden Richards, nakatatanggap ng banta sa buhay!

KINUMPIRMA SA amin ni Alden Richards, may mga threat nga raw siyang natatanggap sa sa Twitter mula sa fans ng loveteam nina Julie Anne at Elmo Magalona.  Ito’y dahil sa pagkaka-link niya sa dalaga.

“Okey lang naman po ‘yon sa akin. Kasi I understand naman po the feeling na… of course ‘yong talagang solid nilang supporters, gano’n ang mapi-feel.

“Dahil ang JuliElmo talaga, sa lahat ng loveteams ng GMA, iyon ang pinaka-solid… I should say. And marami talagang fans ang JulieElmo. So, respect na lang po muna siguro. Ayoko pong makisawsaw.”

Apektado ba siya ba siya ng mga pagbabata na natatanggap mula sa JulieElmo fans?

“Hindi naman po. It’s not big of a deal. Kasi in the first place po, naiintindihan ko naman. Hindi naman po talaga ako original na ka-loveteam ni Julie Anne. Kaya in short parang nakikisawsaw, parang gano’n po ang dating sa fans nila.

“Pero I assure them na wala talaga. I have no plans of destroying some solid foundation na nabuo na rito sa GMA… that came before me. Nauna naman sila sa akin. So I have no right. Kaya rest assured na wala pong mangyayaring… I should say… lipatan ng loveteam.”

Ano ba ang pinakamatinding threat na natatanggap niya?

“Mga very negative reactions. Pero ano lang po… better keep quiet na lang. Kasi talagang parang they provoke do’n sa tweets nila na below the belt na. Pero kailangang masanay. Kasi marami pong gano’n dito sa industriya natin. So, ‘yon po, quiet na lang. And huwag na lang mag-comment. Kasi kapag nag-comment ka, lalaki nang lalaki.”

Pero talagang close na nga sila ni Julie Anne?

“We’re very good friends po talaga off cam. And we talk a lot sa Party Pilipinas kapag nakikita po namin ‘yong isa’t isa. Ano naman… mabait po kasi si Julie Anne, eh. She’s very accommodating. That’s why hindi siya mahirap pakisamahan. Kaya… ‘yon po.”

Kung may mga umaapela at kumukontra, meron din daw naman na okey lang sakaling may mabuong loveteam sa kanila ni Julie Anne.

“May good comments din naman po regarding that. And… okey naman po.”

Paano kung halimbawa, bigyan nga sila ng GMA ng project together?

“Basta sa akin po, trabaho lang. Itong industriya naman po natin ngayon is all about changes. All about different experiences. Kaya, basta ako po, magtatrabaho lang ako nang magtatrabaho for the sake of my career, for the sake of me and my family of course. Nothing else.”

Si Julie Anne, kinikilig kapag natatanong tungkol kay Alden. Ang dating tuloy, parang type nga nito ang aktor.

“Naku!” nangiting reaksiyon ni Alden. “Siyempre happy ako. Kasi ‘yong ipinapakita ko naman with Julie Anne and to all the other girls, talagang it’s just being a gentleman all the time.

“Basta I respect girls talaga to the highest level. Sila ‘yong priority para bigyan ng magandang treatment. Pero wala pong nabubuong something special. Wala pa!” muling nangiting sambit pa ng binata.

Kahit parang type nga siya ni Julie Anne, wala pa ring nabubuong interes sa kanya na ligawan ito?

“Kasi parang ano… ayoko po kasing ipilit, eh. Kung hindi pa po talaga time, baka masayang lang. Kasi hindi pa ito ‘yong right time. So, hinihintay ko lang po ‘yong tamang panahon. I’m not closing my door. I’ll never say… never,” sabi pa ni Alden.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

2 thoughts on “Alden Richards, nakatatanggap ng banta sa buhay!

Leave a Reply

Your email address will not be published.