Alden Richards, naka-apat nang Platinum award ang album

Alden Richards, naka-apat nang Platinum award ang album
Labis-labis ang kasiyahan ng Pambansang Bae na si Alden Richards dahil umabot na sa ika-apat na Platinum award ang kanyang second album na ” Wish I May” under GMA Records after 4 months of released.
Kaya naman isang mensahe ng pasasalamat ang ibinigay nito sa mga taong tumangkilik sa kanyang album, lalung-lalo na sa kanyang mga tagahanga mula sa Aldenatics hangang sa AlDub Nation .
Hindi rin nito nakalimutang pasalamatan ang kanyang ka-love team na si Maine Mendoza nang igawad sa kanya ang 4th Platinum award sa Sunday Pinasaya.
“Malaki po ang pasasalamat ko sa Diyos sa pagbibigay sa akin ng mga mabubuting tao sa likod ko, ‘yung mga sumusuporta. Maraming salamat po for giving me the trust, GMA Records po, sa mga sumusuporta po sa akin sa Aldenatics at sa AlDub Nation. At siyempre kay Maine Mendoza, thank you,” pagtatapos ni Alden Richards.

Mister-Philippines-2016Mister Philippines 2016, may screening sa Pangasinan sa March 6

AFTER MANILA at Batangas City, gaganapin naman sa March 6 (1 to 6 pm) sa Patio Olympia, Urdaneta City, Pangasinan ang screening ng Mister Philippines 2016, at susundan ito ng isa pang screening sa March 13 (1 to 6 pm) sa Crystal Waves Hotel & Resort, Talavera, Nueva Ecija.

At sa mga interesadong sumali, kailangang 18 to 31 years old, at least 5 feet and 9 inches tall with pleasing personality, at Filipino Citizen. Magdala lamang ng original and photo copies of their birth certificate authenticated by the National Statistics Office, Philippine passport, hard and soft copies of their set cards, and swimwear. They must also come in white shirt and jeans/pants. Interested parties may call 0916.500.7455 or e-mail [email protected] para sa ibang detalye.

Ang Coronation Night ng Mister Philippines 2016 ay magaganap sa April 14 , 2016 sa Tanghalang Pasigueño, City Hall Complex , Barangay San Nicolas, Pasig City.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleMarion Aunor, hit ang kantang “Free Fall Into Love” na themesong ng pelikulang “Always Be My Maybe”
Next articleLiza Soberano, pasadong mag-reyna sa Kapamilya Network

No posts to display