Alden Richards, nagkakasakit na dahil sa trabaho!

SINUGOD PALA sa hospital sa Sta. Rosa Medical Center sa Laguna kamakailan ang isa sa GMAAC Prime Artist na si Alden Richards dahil na rin sa walang tigil na pagsusuka na naging dahilan ng panghihina nito.

Kaya naman agad-agad na isinugod na ito sa pinakamalapit na hospital, kung saan ang naging finding ng doctor na tumingin dito ay Amoebiasis. Mabuti na lang daw at naagapan ito at hindi na nauwi sa kumplikasyon. Hindi naman daw nagtagal ng hospital ang young actor at lumabas din kaaagad para magpahinga na lang sa kanilang bahay.

Saludo nga kami sa pagmamahal sa trabaho ni Alden dahil kahit nga raw sunud-sunod ang proyektong dumarating dito at napapanay na rin ang sunud-sunod na pagpupuyat nito, hindi ito kakikitaan ng pagrereklamo at laging on the go kapag may trabaho. Kaya naman bini-bless ito ni Lord at binibiyayaan ng maraming proyekto.

 

MUKHANG BUHAY na buhay na naman ang mga tagahanga ng magka-loveteam na Kris Bernal at Aljur Abrenica, dahil kahit sa radio program namin nina Kuya Germs Moreno at Mega Ohlala ay napa-panay ang pagpapadala ng mga ito ng mensahe para sa dalawa.

Mukhang excited na ang mga ito sa muling tambalan ng dalawa sa GMA-7’s remake  ng Korean Novela na Coffee Prince na sumikat nang sobra-sobra nang ipalabas sa Kapuso Network ilang taon na ang nakalipas.

At kung excited na ang kani-kanilang tagahanga, mas excited na rin sina Kris at Aljur na aminado namang na-miss nila ang isa’t isa, dahil nasanay na sila dati na sila ang laging magkapareha, kaya naman nang paghiwalayin sila at ipareha sa iba ay pareho silang nalungkot at nanghinayang.

 

TATLO NA ang namaalam sa inaabangan at tinututukang Artista Academy ng TV5. Una nang namaalam si Chris Leonardo at ngayon naman ay si Jon Orlando ,ang ikalawa sa 16 scholars na natanggal sa Artista Academy last Monday, kung saan nakakuha ito ng mababang scores sa mga hurado. Hindi pumasa sa standard ng mga hurado ang ipinamalas nitong acting sa live exam nila last Saturday. Hindi rin siya naisalba ng kanyang mga fans dahil mababa rin ang scores na nakuha niya sa botohan.

Pero gaya ni Chris Leonardo, puwede pa ring magpatuloy ng kanyang pag-aaral sa Artista Academy of Television Arts school si Jon bilang bahagi ng privilege nila bilang scholars.

Habang ang malimit namang pag-absent ni Julia Quisumbing ang dahilan ng pagkakatanggal niya sa kumpetisyon na hindi tinanggap ng mga judges ang excuse niya kaya minabuting tanggalin na lang siya sa kontes.

Nanatili namang mataas ang mga scores nina Vin Abrenica at Sophie sa mga performances na ipinakita nila sa ikalawang linggo ng live exams sa AA.

 

NAGING KAABANG-ABANG ang Face to Face guesting nina Eugene Domingo at Arnell Ignacio simula ngayong Lunes bilang mga celebrity sawsawero’t sawsawera. Masusubok ang kanilang kakayahang makapag-bigay ng payo sa guests ng programa.

Inamin nga ni Uge na isa siyang masugid na fan ng Face to Face dahil marami siyang nakukuhang magandang aral. Si Uge mismo ay naging emosyonal habang pinag-uusapan ang sinapit ng isang buntis na iginanti ng nanay sa lalaking nang-iwan sa kanya. Sa kalagitnaan kasi ng pagbubuntis ng dalaga, nagkaroon ng ibang karelasyon ang lalaki na ikinagalit ng ina nito.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

4 thoughts on “Alden Richards, nagkakasakit na dahil sa trabaho!

  1. ano naman kaya ang mga projects nilto, at ilan ba? nagkakasakit na sa sobrang trabaho.? hindi nga nagkakasakit yung isang teen actor na taga dos, yun ang maniniwala ako na sobra talaga ang dami ng trabaho dahil sobrang in-demand at sikat na sikat sya ngayon….  kung makagawa naman ng article.. napakalayo sa katotohanan…. 

  2. ano naman ang pagkakaabalahan ni alden richards eh iisa lang naman ang flop show nya. oa naman kung makapagsulat itong fontanilla na toh na akala mo napakarami ng raket ng hinahada nyang si richards. nakakain lang o nakainom lang naman ng madumi kaya naospital tapos sasabihin mo nang sa sobrang pagtatrabaho? tanga ka lang fontanilla? wag oa, one flop show lang ang show ng tween hearts baby mo. wag masyadong exxagerate.

    .

    bet ko na namang flop ang soon to be remake na show nina aljur at kris. may sumpa si machete aljur kaya siguradong flop ang future show nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.