Alden Richards, may pag-asa na kay Louise delos Reyes

KUNG KAILAN patapos na ang seryeng Ang Mundo Mo’y Akin, mas lalong naging kapana-panabik ang bawat episode nina Alden Richards, Louise de los Reyes, Lauren Young, Sunshine Dizon and Ms. Jaclyn Jose. Magagaling ang mga artistang nagsisiganap, nag-swak sa bawat character ang role na pino-portray nila sa nasabing drama series.

Outstanding ang performance ni Madam Jaclyn, taos-puso ang pasasalamat niya sa GMA-7 sa pagbibigay sa kanya ng ganitong klaseng role.

“Ang sarap paglaruan ‘yung character ko rito, marami kang puwedeng gawin at very challenging, I love it!” Pagmamalaking turan ng magaling na actress.

Napaka-natural umarte ni Jaclyn, walang ka-effort-effort kahit sa matitindi niyang eksena with Sunshine and Angelika dela Cruz. Nakakaaliw siya kung magbitaw ng dialogue, ang lakas ng impact sa manonood. Maiinis ka, matatawa ka dahil nagpapakatotoo lang sa sarili si Madam Jaclyn.

Perfect tandem sina Alden at Louise, pareho pa silang mahusay umarte, ganu’n din si Lauren bilang kontrabida. May ibubuga pala sa aktingan ang dalaga. Kahit hindi nagkatuluyan in real life sina Alden at Louise. Willing maghintay ang actor kahit alam niyang may ibang minamahal si Louise. Ang balita namin, break na raw ito sa showbiz boyfriend niya. May chance ngayon ang binata na maging sila if ever…

Magaling din si Sunshine kahit medyo may katabaan, bagay naman sa kanya ‘yung role as the mother of Louise and Lauren. Pero hindi na bago para sa amin ‘yung character na pino-portray niya. Mahirap kasing hanapan ng role ang isang artista kung mataba ito. Kahit mommy ka na, kailangang physically fit at mukhang fresh and slim sa screen. Lalo na nga, puro young ang gumaganap na mother sa mga serye.

Well, gising sa katotohanan si Sunshine na mataba talaga siya. Promise niya, sa susunod raw na drama series sa Kapuso Network, super slim na raw siya. Kakaririn niya ang pagda-diet, workout at exercise. Abangan…

 

TIYAK NA mabubuhay ang dugo ng 70’s, 80’s at 90’s babies sa exciting flashback Friday extravaganza na “Throwback Manila: A Vinyl Disco Esperience” na gaganapin sa NBC Tent,The Fort on September 27, Friday.

Garantisadong ultimate throwback event ang magpapakislap ng NBC Tent dahil sa siksik sa pakulo at sorpresang bahagi ng programa kabilang ang explosive dance performances tampok ang moves na pinasikat ng mga disco sa Manila gaya ng Faces, Stargazer, Euphoria, Mars, Rumors, etc.

Asahan din ang isang magarbong light system na tiyak na sasabog sa indak at tunog ng classic vinyl disco records. Kasama ng ilan pang iconic disco elements gaya ng mirror balls at ledges.

Sa ilalim ng produksiyon ng 8 Circle Events Management, hindi ninyo malilimutan ang musika, fashion at energy ng disco era, na mas gagawin pang espesyal ng pagsasama-sama sa unang pagkakataon ng walong sikat na DJ’s at icons ng disco generation na sina Jon Tupaz, Lopie Guzman, Boyet Sison, Martin Porta, Manolet Santos, Bobby Nolasco, Arnel Castillo at Tito Jante.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

2 thoughts on “Alden Richards, may pag-asa na kay Louise delos Reyes

Leave a Reply

Your email address will not be published.