Alden Richards & Marian Rivera: Beauty and Madness!

Marian-Rivera-Alden-RichardsALDEN RICHARDS

Real Name: Richard Faulkerson Jr.
Birthdate: January 3, 1993

Zodiac Sign: Capricorn

Symbol: The Sea Goat

Ruling Planet: Saturn

Quality: Cardinal

Element: Earth

Basic Trait: I Use

Closest Metal: Lead

Lucky Day: Saturday

 

MARIAN RIVERA
Real Name: Marian Gracia Rivera

Birthdate: August 12, 1984

Zodiac Sign: Leo
Symbol: The Lion
Ruling Planet: Sun
Quality: Fixed
Element: Fire
Basic Trait: I Will
Closest Metal: Gold
Lucky Day: Sunday

 

MARAMI ANG nagduda nang i-anunsyo ng Kapuso Network na si Alden Richards ang makakapareha ni Marian Rivera sa upcoming teleseryeng Carmela. Hindi naman questionable ang talent ni Alden pagdating sa pag-arte, pero marami ang nagsasabing “too young” para sa Primetime Queen ang binatang aktor.
Kinabog ng bagong loveteam ang mga haters dahil nag-uumapaw sa chemistry ang kanilang eksena sa bagong teaser ng Siyete. Bagay naman pala silang dalawa, eh!
Alam nating lahat na may Dingdong na si Marian at may tsismis noon na naging sina Alden at Julie Anne. Paano kaya kung single ang dalawang Kapuso stars? May pag-asa bang mauwi sa totohanan ang lahat?
Magkaibang-magkaiba ang personalidad ng Capricorn at Leo. Sa katunayan nga, mas mahaba pa ang listahan ng kanilang differences kesa sa similarities. Hindi masyadong emotional ang Capricorn at may pagka-detached ito. Importante naman sa Leo ang emotional attachment tuwing nagkaka-dyowa ito. Gusto rin ng Leo na mataas ang estado niya sa pangkahalatan. Kahit sa usaping pera ay magkaiba ang diskarte ng dalawa.
Expertise ng Capricorn ang pagtitipid, samantalang gastadora naman ang Leon. Hindi iniisip ng Leo ang future at nabubuhay ito sa kasalukuyan. Gusto rin nito na na palagi siyang pinupuri ng kapares, na bihira namang gawin ng isang Capricorn.
Pero wait… huwag kayong mawalan ng pag-asa! Ang magandang side naman ng pagsasamang Capricorn at Leo ay ang pagiging loyal at committed. Kailangan lang nilang pag-aralang respetuhin ang differences ng isa’t isa.
Trip na trip ng babaeng Leo ang pag-party at gustung-gusto nito na naka-focus sa kanya ang spotlight. May pagka-shy and reserved naman ang lalaking Capricorn. Hindi maiiwasang maging ‘uncomfy’ ang pakiramdam nila sa lifestyle. Lahat naman ay madadaan sa mabuting usapan at in fairness, p’wedeng makatulong sa kanilang individual growth ang differences nila. Maiimpluwensiyahan ng Capricorn ang Leo na maghinay-hinay lang, samantalang mapu-push ni Leo ang Capricorn lover na keri lang magwala at lumabas-labas ‘pag may time.
AHA! Big potential there, huh? Nine years man ang gap nina Pogi at Dyosa, pwedeng-pwede na! May aangal pa ba?!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.