Alden Richards-Maine Mendoza love team, parang bagyo sa lakas

Alden-Richards-Maine-MendozaTALAGANG PARANG bagyo sa lakas ang Alden Richards and Maine Mendoza love team. Last Saturday’s episode with the hashtag #ALDUBBATTLEForACause reached more than 5.8 million tweets.

Undeniably, pinakasikat na love team ang AlDub nina Alden and Yaya Dub. Phenomenal ang kanilang tambalan. Grabe, may naiyak at may natawa sa kanilang first time na pagkikita. Galit na galit ang mga tao sa plywood na humarang sa kanilang dalawa.

Nationwide at worldwide ay naging  top trending topic ang #ALDUBBATTLEForACause, talagang pinag-usapan at maging sa 60 countries, ganyan sila kasikat.

Never has there been a love team that is so loved by Pinoy around the world, ang AlDub lang.

Sa labis ngang katuwaan ay napaiyak ang parents ni Maine Mendoza na nasa loob ng Eat… Bulaga! studio. Amazed na amazed sila sa napakalakas na reception ng mga tao na walang habas na tumili, sumigaw, nagpapapadyak nang magkita na sina Alden at Maine finally.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleMarjorie Barretto, tuloy pa rin ang pagpapalit ng apelyido ni Julia Barretto
Next articleMaine Mendoza, type ng Broadway producer na si Shea Arender

No posts to display