Alden Richards at Maine Mendoza, deadma sa mga basher

Alden Richards at Maine Mendoza, deadma sa mga basherAyaw na lang daw pansinin ng Phenomenal Love Team na AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza ang sandamakmak na namba-bash sa kanila.
Ayon nga kay Alden Richards, hindi naman daw nila mapi-please ang lahat na gustuhin silang dalawa ni Maine, at may mga tao pa rin na ayaw sila at gagawa ng paraan para sirain sila.
Pero solid daw ang samahan nila ni Maine Mendoza at walang puwedeng sumira nito. Magkasangga raw sila sa mga intrigang darating sa kanila at ito raw ang gagawin nilang challenge para mas patatagin pa ang kanilang love team.
Kaya nama daw labis-labis ang kanilang pasasalamat sa AldubNation, dahil sa walang sawang suporta at pagmamahal ng mga ito sa kanila ni Maine.

Arci-MunozArci Muñoz, lutang na lutang ang kaseksihan sa pelikula

TWICE NAMING napanood ang pinagbibidahang pelikula nina Gerald Anderson at Arci Muñoz na “Always Be My Maybe” under Star Cinema mula sa direksiyon ni Dan Villegas.
At kahit dalawang beses na namin itong napanood, kinikilig pa rin kami sa tambalan ng dalawa, at nakapag-create na naman ang Star Cinema ng new tandem na mamahalin ng mga manonood.
Win na win ang ganda at kakikayan ni Arci sa pelikula, halos lahat nga ng nakapanood ng said movie ay gandang-ganda kay Arci na malaki talaga ang iginanda mula noong nagsisimula ito.
May mga anggulo nga ito sa pelikula na kahawig nito si Anne Curtis, pero lutang na lutang din dito ang ganda ng kutis at katawan ni Arci, habang papable naman ang arrive dito ni Gerald.

Kristoffer-Martin-Joyce-ChingKristoffer at Joyce, magkasamang muli sa teleserye

DAHIL NA rin sa request ng mga supporters ng tambalang KrisJoy (Kristoffer Martin at Joyce Ching) sa pamunuan ng GMA 7, muling pinagsama ang dalawa sa primetime soap na “Because of You” na pinagbibidahan nina Carla Abellana at Gabby Concepcion.
Sobrang saya nga raw ng KrisJoy supporters dahil napagbigyan ng GMA ang hiling nila na mapanood ulit na magkasama sa isang soap ang kanilang fave stars ng Kapuso Network.
Wish nga rin ng KrisJoy fanatics na after ng pagsasama ng mga ito sa “Because of You” ay magbidang muli ang dalawa sa mga susunod na serye ng GMA 7.
Kitang-kita naman sa kislap ng mga mata, sa kilos, at galaw nina Joyce at Kristoffer ang kasiyahan na muli silang pagtambalin sa nasabing serye.

Boobsie-WonderlandBoobsie Wonderland, muling nakita at nayakap ang nawawalang ama after 30 years

HINDI NAIWASANG maluha ng up and coming comedienne na si Boobsie Wonderland nang makita niya nang personal at mayakap ang kanyang amang 30 years na niyang ‘di nakikita.
Sobra-sobra ngang pasasalamat ang gusto nitong iparating sa Diyos at sa taong nagbigay-daan para makita niyang muli ang kanyang ama, at ito ay ang kanyang kaibigang si Ate Gay na sumulat sa “Wish Ko Lang”.
Ayon nga sa post nito sa kanyang Facebook account: “PANGINOONG HESUS AT DIYOS AMA NA NASA LANGIT………maraming maraming salamat sa tao na ginawa niyong daan c ate gay (Gil Aducai Morales) upang magkita na kami ng totoo kong FATHER (Sergio Arrabis), for more than 30 years ngayon ko lang uli nakita ang pinakamamahal at super hinanahap kong ama.
“At masaya rin ako para sa mama ko (Teresita Raval) dahil nakita ko sa nga mata niya ang pagkasabik na mayakap muli ang first love niya at nagbunga ang kanilang pagmamahalan at siyempre ako yun ha ha ha,
“Thank you po Wish Ko Lang GMA 7 Ms Vicky Morales maraming maraming salamat .
Surprise nga raw ang naging pagkikita ni Boobsie at ng ama niya dahil akala niya ay may show sila ni Ate Gay sa Cebu, pero rito pala niya makikita muli ang ama through “Wish Ko Lang”.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

26 thoughts on “Alden Richards at Maine Mendoza, deadma sa mga basher

  1. Grabe…….alam na ni yayadog na Vaklush si Aldena…kaya kay Derrick sya naglalandi ngayon…alam yan ng mga aso, di lang maamin dahil sa kahihiyan…hihihi

  2. e kamusta naman ang concert ni Daniel Padilla sa Antipolo. wala pa sa 1/4 ang nanuod. Bwahahahahahaha

    gusto nyo ng proof? punta kayo sa fashionpulis….kitang kita ang pagkaflop ng concert ni Daniel. Congrats nga pala kay Alden Richards. Quadruple platinum na ang album mo. Grabe daig mo na talaga ang mga artista ng ABSCBN bwahahahahahahahahahah

  3. Karma? Kay alden 3 flop concert, sino ngayon ang may karma? Yong kay daniel marami ring nanood only hindi lang napuno ang venue, yong kay alden 74 tickets lang ang nabenta at 54 tickets for davao’s concert, know your facts muna, hater ka talaga …

  4. calling calling Matronang bakla wahahhahahha bwhahahaha nabalitaan muna ba at kumalat na rin sa social media,,,,yung concert ni Daniel sa Ynarez Cocpit Arena sa Antipolo,,hak hak hayun Super doper FLOP,,as FLOP..OMG 900, 600, 300 na nga lang ang ticket ( binabaan na nga nila ) may buy one take one or two pa yata pero hayun halos wala pa ring pumasok sa venue hak hak at ang balita,,,,30 minutes before the show,,na ipamigay na lang nila yung mga ticket hak hak,,ano ba yan Matronang Bakla,,sobra na ang Karma ninyo hak hak

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.