Alden Richards & Louise delos Reyes: Are You Really My One True Love?

ALDEN RICHARDS

Real Name: Richard Faulkerson, Jr.

Birthdate: January 3, 1993

Zodiac Sign: Capricorn

Ruling Planet: Saturn
Quality: Cardinal
Element: Earth
Basic Trait: I Use
Closest Metal: Lead
Lucky Day: Saturday

 

LOUISE DELOS REYES

Real Name: Mary Grace Perido

Birthdate: September 1, 1993

Zodiac Sign: Virgo

Zodiac Sign: Virgo

Symbol: The Virgin

Ruling Planet: Mercury

Quality: Mutable

Element: Earth

Basic Trait: I Analyze

Closest Metal: Quicksilver

Lucky Day: Wednesday

 

FROM TWEEN Stars to Primetime Sweethearts ang takbo ng career path ng Kapuso stars na sina Alden Richards at Louise delos Reyes. Una silang nagsama sa panghapong teleseryeng Alakdana at kahit na hindi sila in real life, nakitaan sila ng bonggang chemistry. Dahil dito, isinalang sila sa My Beloved na pinagbidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. ‘Yun na siguro ang proyekto na nagsilbing training ground ng dalawa para ipagkatiwala sa kanila ang One True Love. Suwerte ng mga bagets na ito, ‘di ba?

As an onscreen loveteam, they are at their best. In real life kaya, masambit nila ang mga katagang ‘You’re My One True Love’?

Realistic at level-headed ang mga Capricorn at Virgo. Ito nga siguro ang dahilan kung bakit malapit ang suwerte sa kanila. Dependable din sila at matured mag-isip. May pagkakaiba rin sila, pero pagdating lang sa pamamaraan ng pagharap sa mga hamon ng buhay. OC sa pagpa-plano ang Capricorn at gusto niya na ang lahat ay nasa ayos. Ang Virgo naman ay mas naniniwala sa skills at effort. Either way, pareho silang boom na boom sa success! Pak!

Seryoso sa buhay ang dalawang ito kaya kung minsan ay nakakalimutan nila ang depenisyon ng ‘fun’ sa relasyon. Dahil dito, kailangan nilang um-effort nang bonggang-bongga para maisalba ang kanilang pagsasama. Isa lang ang goal ng Capricorn sa buhay – to be on top of everything. Kung may gusto itong ma-rating, focused talaga ito at willing itong ipagpaliban ang lablayp. Sa bagay na ito nagko-compliment sila ng Virgo dahil willing naman itong magbigay ng suporta. If you love someone, you must support them ang peg ng match na ito.

Ang pagsasama ng babaeng Virgo at lala-king Capricorn ay almost perfect. Bakit? Matured silang mag-isip at hindi basta-basta natitinag ng kung anik-anik na dagok sa life. Ini-impluwensiyahan nila ang isa’t isa na gumawa nang mabuti sa buhay para sa ikauunlad nila bilang mga indibidwal na nilalang. Seryoso sila sa relasyon, pero seryosong pag-iibigan ito, mga tsong at tsang!

At dahil sa readings na ‘yan, I therefore conclude that the Alden-Louise love compatibility is near to perfection. All they need to do is realize it and work on it. Gora na, totohanin na!

 

By Madam Damin

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

2 thoughts on “Alden Richards & Louise delos Reyes: Are You Really My One True Love?

  1. Struggling to get your car paid off? Are you
    mad about the last deal you got? Perhaps you’re looking for an automobile now, and you’re not
    sure what to do differently. You’re in the same boat with many other people. Keep reading to find out information regarding what to do next time you enter a dealership.

Leave a Reply

Your email address will not be published.