Alden Richards &Lauren Young:
Not Your Ordinary Summer Love!

ALDEN RICHARDS
Real Name: Richard Faulkerson, Jr.
Birthdate: January 2, 1993

Zodiac Sign: Capricorn

Symbol: The Sea Goat

Ruling Planet: Saturn

Quality: Cardinal

Element: Earth

Basic Trait: I Use

Closest Metal: Lead

Lucky Day: Saturday

Lucky Colors: Black, Earth Tones, Indigo and Orange

Lucky Gems: Garnet
LAUREN YOUNG
Real Name: Lauren Anne Young
Birthdate: November 8, 1993
Zodiac Sign: Scorpio

Symbol: The Scorpion

Ruling Planet: Pluto

Quality: Fixed

Element: Water

Basic Trait: I Desire

Closest Metal: Plutonium

Lucky Day: Tuesday

Lucky Colors: Black, Charcoal Grey, Maroon and Red

Lucky Gems: Topaz
TRIED AND tested na sa primetime slot ang tambalang Alden Richards at Louise delos Reyes. Ang ‘One True Love’ ang isa sa highest-rating shows ng GMA-7 noong nakaraang taon.
Dahil na rin sa demand ng fans, muling nagbalik ang dalawa sa ‘Mundo Mo’y Akin’. Para makadagdag sa excitement, ipinasok din sa serye ang ex-Kapamilya talent na si Lauren Young. Si Alden Richards ay gumaganap sa papel na Jerome, isang chef na secretly in love sa kanyang childhood playmate and current boss na si Darlene, na ginagampanan naman ni Lauren Young. Sa kasalukuyan ay sa Jerome-Darlene angle nakapokus ang kuwento.
Isa sa mga tagpong nagpakilig sa fans noong isang Linggo ay ang biglaang kissing scene nina Jerome at Darlene. Sa likod kaya ng kamera ay may posibilidad na magkadebelopan sila?

Sensitive at emotional ang Capricorn at Scorpio, pero pareho silang todo-effort sa pagtago ng kanilang feelings. Ito ang dahilan kung bakit dapat ay relaks lang ang dalawa at hindi madaliin ang mga bagay-bagay lalo na sa usaping puso. It will take time bago sila maging open sa tunay nilang nararamdaman. Dahil parehong natural ang kanilang pagiging suspicious at reserved ang personality, hindi ito ang tipo ng relasyon na isang kindat lang ay gogorabels na agad sa pag-surrender ng heart. No, no, no!
Pero, But, Wait! Kung maabot ng dalawa ang level kung saan sila’y wala nang inhibitions sa pagsabi ng tunay na nararamdaman, madali na para sa dalawa ang magka-debelopan. Sa katunayan nga, malaki ang chance na mas matured ang kalalabasan ng pagsasamang ito. Kahit in a relationship ang Capricorn, medyo hirap ito na i-display sa publiko ang tunay na nararamdaman. Sa kabilang banda, nagiging open book naman para sa Scorpio ang kanyang sentiments once na-reach ang level of understanding at may expectations ito na ma-reciprocate ang kanyang effort. Ito bale ang isa sa ‘make or break’ moments nila. Mas passionate din ang Scorpio, kaya madalas na magkaka-problema sa pagiging showy ang Capricorn. Once they overcome the differences, puwede itong maging love story worth hearing!
Ang pagsasama ng lalaking Capricorn at babaeng Scorpio ay may malaking tsansa at ito ay magiging isang makulay na relasyon. Full of meaning, ‘ika nga nila. Ang pagiging mapusok ni Scorpio ang puwedeng magpalabas ng hidden feelings and lakas ni Capricorn. Dahil dito, magiging loyal and respectful si lalaki kay babae. Mauunawaan nila ang pangangailangan ng isa’t isa at magsisilbi rin itong inspirasyon sa kanilang iba’t ibang gawain.
Hmmm… mukhang may rason ang sobrang pilit na JulieMo (Julie Anne San Jose-Elmo Magalona) tandem na mag-worry. Hindi ba’t sina Elmo at Lauren daw, at pinopormahan naman diumano ni Alden itong si Julie Anne. Naku, Alden-Lauren na lang! This love affair is not just for one summer! This is a potential of a lifetime! Charaught!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.